NOEL FERRER: Nakausap ng PEP Troika ang writer-director na si Sigrid Andrea Bernardo sa Book Fair ngayong hapon, September 14.
Tinanong namin siya tungkol sa kanyang upcoming project sa Viva Films.
Nauna nang naibalita na gagawa siya ng pelikula with Claudine Barretto.
So, humingi kami sa kanya ng updates.
Sabi niya, “Tapos ko na ang script, at dapat paalis na kami para mag-shoot na.”
Sa Georgia dapat ang shoot ng end of the month at tuloy sila.
Pero heto ang tanong ko sa kanya: “So, tuloy na kayo ni Claudine?”
Tingnan niyo po ang sagot ni Direk Sigrid sa tanong ko:
JERRY OLEA: Ito ba iyong Viva movie na balik-tambalan sana nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez?
Kung pinalitan na si Claudine sa project... tanggal na rin ba si Mark Anthony?
GORGY RULA: Pinaghahandaan na ni Claudine ang project na gagawin niya sa Viva.
Ang unang press release kasi, kasama pa si Mark Anthony Fernandez. Kaya parang nagdududa na ako diyan.
Pero mas okay sana kung matuloy na.
Kaya abangan na lang siguro natin ang announcement mula sa Viva.
Siyempre, ayaw namang pangunahan ni Direk Sigrid.
