Miel Espinosa, bawal na maglaro dahil sa pag-aartista

by PEP Troika
Sep 16, 2018

JERRY OLEA: Naaliw ako sa pagganap ng seven-year-old na si Miel Espinosa sa Cinemalaya 2018 entry na Pan de Salawal.

Lalo akong bumilib sa child actress nang ma-interview ko siya sa storycon ng Regal movie na Elise noong Setyembre 11, gabi ng Martes sa Valencia Events Place, Quezon City.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Lumabas din pala siya sa mga pelikulang Patay Na Si Hesus, Pitong Kabang Palay, at sa isang Japanese film.

Isa si Miel sa tatlong batang artista na pinagkalooban ng special jury prize sa Cinemalaya awards night.

Hindi siya nakadalo roon dahil nasa shooting siya ng horror movie na Hospicio.

May nagawa rin siyang digital projects.

Bakit ba ang husay-husay niyang umarte? Natural na natural!

“Kasi po, doon sa Pan de Salawal, may coach po kasi ako doon. 'Tsaka po, dati po, nagwo-workshop din po ako noong di pa po ako matagal na nag-aartista,” paliwanag ni Miel.

Natawa si Miel nang sabihin kong mapera na pala siya dahil anim na ang mga pelikula niya.

Anong ginagawa niya sa pera niya?

“Iniipon ko po siya sa bangko para po kapag malaki na po ako, meron pa rin po akong money kahit hindi na ako nag-aartista,” aniya.

Anu-ano ang gusto niyang bilhin kapag nakaipon na siya ng malaki-laking pera?

Continue reading below ↓

Napakunot-noo si Miel bago nagturan, “Siguro po, bahay, 'tsaka lupa, 'tsaka po kotse.”

Nag-e-enjoy ba siya sa pag-aartista? O nahihirapan?

Nakangiting tugon ni Miel, “Minsan po, naisip ko po, parang ayaw ko na po. Kasi, ang dami pong bawal gawin. Bawal ka pong mag-swimming. Bawal ka pong maglaro.

“Kasi po, minsan po, pag nag-swimming ka po, iitim ka po. Kapag naglalaro ka, kapag nadapa ka po, masusugatan ka po.

“Pero nag-e-enjoy naman po ako!”

NOEL FERRER: Showbiz welcomes really good actors like Miel Espinosa.

Para sabihan ka naman ng producer mo ng “wag mong sapawan ang mga kaeksena mo” ay tunay ka ngang magaling at aabangan.

Good luck, Miel!

GORGY RULA: Kahit nagtatrabaho na si Miel sa ganun kamurang edad, dapat ngang huwag tanggalin sa kanya ang hilig sa paglalaro.

Naalala ko ang sabi ni Snooky Serna noon na three years old siya nagsimulang mag-artista, at tuluy-tuloy na ang pagtrabaho niya kaya sa edad na 6 years old nagka-menstruation na siya.

Continue reading below ↓

Sabi nga ni Paolo Contis din na nagsimula rin bilang child star, yung normal na paglalaro sa mga bata ang nawala sa kanya nang maging artista na siya.

Kaya inaamin niyang hindi talaga normal ang paglaki niya.

Kaya siguro kahit maging abala si Miel sa pagiging artista, dapat na i-prioritize pa rin ang mga gustong gawin ng isang normal na bata.

Sinabi naman niya sa interview sa kanya sa story conference ng Elise na gusto pa rin niyang i-prioritize ang pag-aaral. Sana nga ganun.

Read Next
Read More Stories About
pan de salawal, Cinemalaya
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results