Long Mejia, kabilang sa mga artistang gustong kumandidato sa CamSur?

by PEP Troika
Sep 16, 2018

JERRY OLEA: Tawang-tawa ako sa meme na kesyo galit na galit si Rachel Peters (Bb. Pilipinas-Universe 2017).

Ang dahilan, kesyo ipinagpalit siya ng kasintahang si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte kay Imelda Papin.

 IMAGE Nikko Tuazon

Nagkalat ang mga tarpaulin nina Governor Migz at Imelda sa Naga City bilang tandem na bumabati sa Peñafrancia festival ngayong Setyembre.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Wow, single pa naman ang Actors Guild president na kahit senior citizen na’y may asim pa rin naman tulad ni Madame Auring. Malay mo naman, Rachel, magdulot ng maganda ang tandem nila.

Pero according to VP Leni Robredo, ang tanging makakatapat lang kay Migz Villafuerte bilang Governor ay ang kasalukuyang Majority Floor Leader Nonoy Andaya na dati pa raw nilang inuudyukang tumakbo laban sa mga Villafuerte.

Marami nang artista ang nagtangkang umalma (tulad ni Ate Guy/ Nora Aunor) o nakialyansa sa mga Villafuerte (tulad nj Aga Muhlach), pero sa tingin niyo kaya, change is coming na sa CamSur?

GORGY RULA: Kaabang-abang itong eleksyon sa Camarines Sur, kasi bukod kay Imelda Papin, may ilan pang pangalan ng mga celebrity ang lumulutang na posibleng mag-file ng candidacy sa naturang lalawigan.

Baka tumakbo raw uli si Aga Muhlach, pero mukhang mas abala ito sa kanyang mga pelikulang gagawin.

Kinukumbinse rin daw si Nora Aunor na tumakbo uli, basta seryosohin lang niya ang pangangampanya.

Continue reading below ↓

Meron ding si Long Mejia na porke’t nasa Ang Probinsyano siya, gusto na ring pasukin uli ang pulitika.

 IMAGE @ang.sikreto.ng.piso on Instagram

Kaya lang bakit dito raw ito nagparehistro sa Camsur? E di ba, taga-Bulacan siya?

May naririnig kasi kami rito na nag-iikot na raw si Long sa ilang bahagi ng CamSur.

Continue reading below ↓

Kaya isa itong CamSur ang tiyak na tutukan ng nangangalap ng isyung pulitika. Tiyak na marami pang magaganap sa lalawigang ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results