Senator Bong Revilla, masugid na deboto ng Our Lady of Penafrancia sa Naga, ayon kay VP Leni Robredo

by PEP Troika
Sep 16, 2018

JERRY OLEA: Na-boo si Bong Revilla nang unang makipagdiwang sa Peñafrancia festival ng Naga City, Camarines Sur.

 IMAGE Mark Pimentel

“Mag-eeleksyon kasi noon.

"Akala ng mga tao, nagpunta lang siya dahil may eleksyon,” nakangiting kuwento ni Vice President Leni Robredo nang eksklusibong makausap ng PEP Troika nitong nakaraang Sabado, Setyembre 15, sa Avenue Plaza Hotel ng Naga.

Continue reading below ↓

“Pero nang bumalik siya the next year, at nang mga sumunod na taon, nakita ng mga tao ang pagiging deboto niya kay Ina, OK na.”

Nakakasama noon ni Bong sa fluvial procession ang yumaong asawa ni VP Leni na si Jesse Robredo, kaya nagkalapit ang kanilang mga pamilya.

“Si Senator Bong, parang naging permenent fixture siya dito,” pagpapatuloy ni VP Leni.

“Very religiously, andito siya tuwing fluvial.

“Sumasama siya sa procession, yung from the cathedral hanggang sa bridge kung saan Siya ibinababa.

“Itinuloy niya yung devotion ng nanay niya.

“Noong hindi na siya pwede, si Mayor Lani [Mercado] saka si Jolo [Revilla], si Vice Gov yung pumupunta.

“Last year, pumunta dito si Vice Gov, parang Wednesday.

“Ngayong year yung wala akong balita, kaya marami, lalo na yung mga regular din, nagtatanong kung walang somebody from the family na pumunta.”

NOEL FERRER: Deboto nga ng Mahal Na Ina si Senator Bong Revilla, at ang matibay na pananampalataya nito ang nagbibigay sa kanya ng tatag ng loob sa pagharap ng mga hamon sa buhay niya sa piitan pa rin.

Continue reading below ↓

Hindi ba’t nagpasindi rin siya ng kandila at nagpadasal sa 'yo, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Nagbilin nga siyang ipagsindi siya ng pitong kandila.

Iyun ang ginagawa niya kapag nagsisimba siya, bukod sa pagsama niya sa Andas sa Penafrancia.

Kaya sabi nga ni VP Leni, na-miss daw nila ang dating senador doon sa fiesta ng Penafrancia.

Magkaibigan nga raw ang namayapang si Jesse Robredo at si Sen. Bong kaya nabanggit din ni VP Leni na gusto rin daw sana niyang dalawin sa Camp Crame, pero umiiwas na lang daw siyang magkaisyu pa, at naintindihan naman iyun ng dating senador.

Sabi naman ni Mayor Lani Mercado, sana sa susunod na fiesta ng Mahal na Ina sa 2019, makadalo na raw si Sen. Bong.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results