Pagtakbo ni Dingdong Dantes sa 2019, suportado ni VP Leni Robredo

by PEP Troika
Sep 16, 2018

JERRY OLEA: Siguradong sold-out na naman ang concert ni Alden Richards sa Setyembre 21, Biyernes, anibersaryo ng Martial Law.

Madaling punuin ang venue, ang Kia Theatre sa Araneta Center, QC.

Pero makakatulong ba sa career niya ang pagku-concert?

Noong nakaraang taon, may Martial Law special si Alden.

Na-bash man ng Marcos loyalists, maraming pumuri sa pagbibida niya sa makabuluhang proyekto.

Ngayong nag-aaksyon ang Pambansang Bae sa telefantasyang Victor Magtanggol, nakakaasiwa na meron siyang pa-sing-and-dance.

Noong nagpapakaseryoso si Dingdong Dantes bilang drama actor, tumigil siya sa pagsayaw-sayaw.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

At ngayong sasabak si Dingdong sa political arena, pinili niyang sumuporta kay Vice Ganda sa MMFF 2018 entry nitong Fantastica kesa maging leading man sa isang melodrama na aspiring entry pa lamang sa December filmfest.

NOEL FERRER: Sa ekslusibong pakikipag-usap ng PEP TROIKA kay Vice President Leni Robredo, patuloy niyang ipinagdasal sa Ina ng Penafrancia ang kapakanan hindi lang ng kanyang pamilya kundi ang kapakanan ng ating bayan at bigyan sana tayo ng tatag ng loob para lampasan ang krisis natin at hirap ng buhay ngayon.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Bukod sa pakikipag-usap sa mga local leaders sa Bicol, nakunan namin ng pahayag si VPLeni ukol sa posibleng pagtakbo ng ating kaibigang si Dingdong Dantes sa darating na eleksyon.

“Yang nga katulad ni Dindong ang kailangan nating mga bagong leader sa ating bayan: yung may malasakit lampas sa sarili, maayos na mamamayan at mag magandang track record sa paninilbihan sa kapwa,” sabi ni VP Leni.

“Kinukumbinse siyang tumakbo, at sigurado naman na yata yun, pero hindi pa lang tiyak kung saang posisyon siya magpa-file ng kanyang kandidatura.

“Una, ang gusto lang ni Dong ay maging partylist representative para sa Yes Pinoy movement niya.

“'Tapos, nandiyan ding kinukumbinse siya ng grupo ni Vice Mayor Joy Belmonte para tumakbo bilang Representative sa isang distrito sa QC.

“May alok din sa kanyang maging Vice Mayor sa Makati.

“Pero since kaibigan din niya si Senator Bam Aquino, pinag-iisipan din siyang isama sa senatorial slate namin lalo pa’t ganun din naman ang effort na ibubuhos niya sa pagtakbo at kaya naman niya yun talaga.

Continue reading below ↓

“Basta kung saan man niya naising maglingkod, susuportahan natin ang isang mahusay at mabuting tao at kasamahan niyo sa industriya tulad ni Dingdong,” paninigurado ni VP Leni Robredo.

GORGY RULA: Sana sundin ni Dingdong kung ano talaga ang nasa damdamin niya.

Ang hirap kasi kapag marami ang makialam at magbigay ng sariling opinyon.

Sa tingin ko diyan mas gusto niya talaga sa partylist niyang Yes Pinoy Foundation.

Pero may nagsasabi rin daw na pareho lang ang gagastusin sa pangangampanya kung ang pagiging senador ang tatakbuhin.

Alin ba ang mas madaling panalunin? Ang tumakbong dala ang partylist, na ilang milyon lang ang kailangan pasok ka na, o ang senador na posibleng mapasama ka sa labindalawang pagpilian?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results