Bayang Barrios, hinirang bilang Best Supporting Actress sa 2018 ToFarm Film Festival

by PEP Troika
Sep 16, 2018

JERRY OLEA: Tampok si Bayang Barrios sa Marawi: A Musical, isa sa labindalawang bagong dula na itinanghal sa 14th Virgin Lab Fest ng CCP noong Hunyo 27 hanggang Hulyo 15.

Yung bagong dula niyang Balad at Angud ay magla-last day ngayong Linggo, Setyembre 16, sa CCP.

Kasali rin si Bayang sa ToFarm 2018 filmfest entry na Kauyagan, kunsaan tinanghal siyang Best Supporting Actress nitong nakaraang Setyembre 15, Sabado, sa Shangri-La Makati Hotel katabla si Gilleth Sandico para sa Sol Searching.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

May ToFarm entry din siya last year, ang Kamunggay.

May maliit din siyang role sa musical film na Emir (2010) directed by Chito Roño, at Engkwentro (2009) directed by Pepe Diokno.

Mas marami ba siyang pelikula at dula kesa sa music?

“Hindi, marami ring music,” sambit ng beteranang mang-aawit mula Agusan del Sur nang mainterbyu ng PEP Troika noong Lunes, Setyembre 10, sa Novotel Hotel, Q.C.

“Kaya nga nami-miss ko nga, e.

“Ngayon ko lang na-imagine kung gaano ka-committed ang theater actresses and actors, kasi grabe ang rehearsals.

“Grabe! Yung time saka yung effort.

“E, kung sa kanta ko lang... isang kanta lang yun, kumbaga, e!”

Mas nae-enjoy ba niya ang singing kesa sa acting sa film and stage?

“Ibang experience yun, kasi andito yung disiplina,” tugon ni Bayang.

“Sa amin kasi, pag singing, iimbitahin ka.

“Pagdating mo, hingin ka ng pagkain. Hindi ka kakanta kung walang budget.

“Dito, pag committed ka sa theater, gagawin mo hanggang sa dulo.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Multi-talented na pang-multimedia ang pagka-artist ni Bayang Barrios.

At nire-reqard talaga ang mayroong artistic integrity dahil hindi man kalakihan ang talent fee sa mga projects niya, tingnan niyo at nabiyayaan naman siya ng Best Supporting Actress award sa ToFarm Film Festival.

Kasama rin namin si Bayang sa preliminary judging ng PhilPop entries at sobrang kwela niya kapag sumasayaw na siya habang breaktime namin.

Ngayon, award-winning film actress na siya.

Masaya kami para sa kanya. Bravo, Bayang!!!

GORGY RULA: Ang mahalaga ay ang commitment niya sa sining na walang iniisip kung kikita o hindi.

Bilang taga-Agusan si Bayang, isa siya sa mga sumusuporta sa mga Lumad.

Sana may maitulong siyang maiangat lalo ang kapwang Lumad na hindi ginagamit lang ng ilang pulitiko.

Sana mas tutukan pa raw ng gobyerno ang kultura ng mga Lumad at mga indigenous people.

"Sila lang kasi ang napapagitna at madalas na nabibiktima ng mga military at NPA e," himutok pa ni Bayang.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Bayang Barrios
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results