Nora Aunor, nagbantang idedemanda ang singer na si Jojo Mendrez

by PEP Troika
Sep 17, 2018

GORGY RULA: Marami pa ang hindi nakakakilala sa singer na si Jojo Mendrez.

Pero naiintriga na ito ngayon nang kinuha niya si Nora Aunor na mag-guest sa nalalapit niyang concert na Jojo Mendrez Live, The Revival King, na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa October 5.

Continue reading below ↓
Nora Aunor & Jojo Mendrez
 IMAGE Noel Orsal / Facebook

Bukod kay Sharon Cuneta, si Nora ang isa sa hinahangaan ni Jojo kaya gusto raw sana niyang maging bahagi ng kanyang concert ang Superstar, kahit manood lang at kakantahan daw niya ito ng "Handog," isa sa ni-revive niyang kanta.

Isang kaibigan ni Jojo ang namagitan para makuha si Nora, kahit magbigay raw siya ng honorarium.

Nagpadagdag pa raw ang kausap ni Jojo dahil request daw ni Nora na dagdagan ang ipinangakong honorarium.

Noong nakaraang linggo, ibinigay na ang 50 percent downpayment na mismong si Nora raw ang pumirma sa acknowledgement receipt.

Kaya inilabas na ni Jojo sa kanyang Facebook account ang layout ng poster kung saan inilagay na special guests niya sina Nora at si Pilita Corrales.

Continue reading below ↓

May ilang fans ni Nora ang umalma dahil nauna pa raw ang pangalan ni Pilita kesa kay Nora.

Kaya para walang gulo, inayos uli ni Jojo ang layout na nauna na ang pangalan ni Nora.

Kaninang hapon, September 17, ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Jojo Mendrez.

Kuwento nito, kinausap daw siya ni Nora at nagagalit dahil bakit inilagay pa raw ang pangalan niya sa poster gayong manonood lang naman daw siya. Wala naman daw siyang gagawin.

Nagpaliwanag si Jojo kung ano ang partisipasyon ni Nora.

Ang buong akala raw niya ay okay nang ilagay ang pangalan ng aktres dahil tinanggap naman daw nito ang downpayment at pinirmahan ang acknowledgement receipt na deposit sa honorarium ng guesting nito sa naturang concert.

Okay lang nga raw kahit nagpadagdag pa ito sa honorarium.

Kaagad na itinanggi ni Nora ang kuwentong nagpadagdag siya sa honorarium. Hindi naman daw nila kailangan ang talent fee.

Continue reading below ↓

Ang buong akala raw niya ay manonood lang siya roon at kakantahan. Puwede naman daw niyang gawin iyon kahit walang bayad.

Sinabihan daw ni Nora si Jojo na ibabalik na lang nila ang downpayment at idedemanda na lang daw nila ang singer dahil ginamit ang pangalan at litrato ng Superstar sa promo poster.

"Tama po ba yun? Maayos naman ang usapan ng kausap ko, at alam ko alam na ni Ate Guy yun, bakit madedemanda na ako, e, tumanggap naman po sila ng downpayment?" himutok ni Jojo.

Pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Jojo.

Inaayos na ngayong magkaharap sila ni Nora para magkaroon ng paglilinaw, dahil ang tingin niya ay hindi lang naintindihan ng aktres ang usapan nila ng taong namagitan sa kanilang dalawa.

Kapag magkaharap daw sila at magkalinawan, tingin daw niya magkakaayos naman sila ni Nora at sisipot ito sa kanyang nalalapit na concert.

Sabi nga raw ng staff ni Nora, puwede naman daw ikaw na, Sir Noel, ang mamagitan para maayos lang ang appearance o guesting nito sa concert ni Jojo Mendrez.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Idolo ni Jojo Mendrez ang Superstar, kaya nais niyang ialay rito ang revival niya ng kantang "Handog."

Nawa’y lumambot ang puso ni Nora kay Jojo na lubos ang paghanga sa kanya mula noon hanggang ngayon!

NOEL FERRER: Ako ang magpapatotoo na nang manood at suportahan ng ating Superstar ang kanyang anak-anakan na si Edgar Allan Guzman sa Resorts World Manila ay hindi ako nagdalawang=salita at nagpaunlak ito nang bukal sa kanyang puso.

Hindi natin alam ang naganap sa pag uusap nito sa kinatawan ni Ate Guy.

Maganda naman ang hangarin ni Jojo Mendrez kaya gagawin niya ang lahat para makasama ang kanyang idolo sa birthday concert niya.

Sana magkaayos sila ng ating Peoples National Artist na namimiss ko na rin.

Sabi nga ni Jojo, handog niya ang concert na ito kay Ate Guy!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Nora Aunor
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results