Precious Lara Quigaman, isinilang na ang pangalawang anak nila ni Marco Alcaraz

by PEP Troika
Sep 18, 2018

NOEL FERRER: Isinilang na ang ikalawang anak ng mga inaanak natin sa kasal na sina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz nitong Lunes ng 10:45 p.m., September 17.

View this post on Instagram

See you in a bit @tobiasnolanalcaraz ð??¶ð??» Praying for you Jiamps ð???ð??¼

A post shared by Marco Alcaraz (@marcoalcaraz) on

Nakakatawa ang huling posts ng mag-asawa dahil talagang nag-make up pa si Lara at binu-blower pa siya ni Marco bago nagsilang ng kanilang ikalawang baby boy named Tobias.

Continue reading below ↓
 IMAGE Marco Alcaraz Instagram Story

Sana’y ibayong suwerte ang dala ni Baby Tobias na mukhang mahaba, base sa photos, dahil bago ito isilang ay nakalagare pa si Lara sa dalawang soap opera—ang Bagani at Halik sa ABS-CBN.

Si Marco naman ay naghihintay ng magandang opportunity sa GMA7 after his guesting stint sa Ika-5 Utos.

JERRY OLEA: Prayers pa more tayo para sa bagong baby nina Marco at Lara.

Lalong magsusumikap si Marco para sa kanyang pamilya!

GORGY RULA: Mahaba nga kung 19 & 3/4 inches ang haba. Hindi naman katabaan dahil 6lbs. & 10oz ang timbang.

Mukhang mana nga kay Marco.

Sabi nga ng aktor noon, mukhang makakabuo sila ng basketball team niyan.

Pero mukhang okey na okey na si Lara kung girl ang isusunod nila kay Noah at Tobias.

Wala naman silang balak na magparami talaga ng anak.

Congratulations!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results