Kathryn Bernardo, tinawag na "demonic girlfriend" ni Athena Gana?

by PEP Troika
Sep 18, 2018

JERRY OLEA: Umabot na sa PHP601 million ang domestic gross ng pelikulang The Hows of Us (THOU) as of September 17, Lunes, ang ika-20 araw ng pagpapalabas nito.

Ito ang unang Pinoy film na lumampas sa PHP600M-mark.

Kaalinsabay ng magandang balitang ito ang pag-aalburoto ng ibang fans ni Kathryn Bernardo.

Ang isyu:  kesyo tinawag ni Athena Gana (anak nina QC Mayor Herbert Bautista at Tates Gana) si Kathryn na “demonic GF” ni Daniel Padilla.

Continue reading below ↓
 IMAGE Instagram

Magkababata sina Daniel at Athena.

Magkaibigan ang kani-kanilang ina na sina Karla Estrada at Tates Gana.

Sa mediacon ng THOU last month ay inamin ni Daniel na mahigit limang taon na ang relasyon nila ni Kathryn.

“Nagkaisyu na noon pa sina Kath at Athena pero pinakisamahan ni Kath si Athena at itinuring na friend,” sabi ng isang masugid na KathNiel fan.

NOEL FERRER: Naku, hindi yata becoming of an Atenean iyang napapabalitang diumano’y gjnawa ni Athena.

Saan kaya nanggaling ito?

At ano ang kaya ang masasabi dito si Queen Mother Karla at ang mommy ni Athena na matalik na magkaibigan?

Parang wala ito sa aking abot-tanaw, lalo pa’t ang kaibigan nating Mayor Herbert ang ama ni Athena.

GORGY RULA: Hindi naman siguro papatulan iyan ni Kathryn.

Mahirap mag-react diyan kasi hindi naman natin alam kung ano ang talaga ang namagitan kina Daniel at Athena.

Hindi natin alam kung ano ang totoong kuwento. Kahit sabihing maraming alam ang mga KathNiel fans, ang isyu dito ay kina Daniel at Athena.

Continue reading below ↓

Bago siguro magalit at mag-react ang mga Kathniel fans, mas mabuting alamin muna natin kung napag-usapan na ba ito nina Daniel at Kathryn?

May unfinished business ba si Daniel kay Athena?

Ang young actor lang ang makakaayos nito at linawin ang mga bagay-bagay.

Kasi may pinanggalingan naman siguro ang mga post na iyun ni Athena.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results