Pokwang, peg sina Vilma Santos at Maricel Soriano para sa dream role niya

by PEP Troika
Sep 18, 2018

JERRY OLEA: Masaya si Pokwang na natupad ang dream niyang gumanap na teacher sa pelikulang Sol Searching, na nagkamit ng People’s Choice Award sa 3rd ToFarm Film Festival.

 IMAGE Jerry Olea

Ang role na gusto pa niyang gawin... serial killer.

“Out of the box naman tayo, maano mo pa yung tao na ito pa ang kaya kong gawin,” matamang pahayag ni Pokwang.

Continue reading below ↓

“Marami pa akong puwedeng ibigay sa inyo. Ito pa... Ganun.”

Sino ang peg niya sa serial killer eclat?

Natawa si Pokwang habang nanlalaki ang mga mata at tila naninigas ang katawan, “Killer-killer eclat! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Hirit niya, “Di ba, pagdating sa mga ganyang aktingan naman talagang ano, parang... Tagos ng Dugo! Yun, ganun!

“Tapos, yung mga nagma-Maricel Soriano. ‘Yan!”

Meron ding pa-sexy? Aba, seksi-seksihan si Vilma Santos sa Tagos ng Dugo (1987), at si Maricel sa Kaya Kong Abutin Ang Langit (1984).

“Very light lang,” pagmuwestra ng palad ng hitad. “Baka maduwal naman‘yung mga tao. Chos!”

NOEL FERRER: Papasaan ba’t darating din kay Pokwang na siya naman ang mamamayagpag sa awards, di ba?

Pero heto ang nakakalokang chika sa akin ng isang senior actor...

Habang tayo ay nasa Bicol at humihingi ng indulhensiya sa Mahal Na Ina ng Peñafrancia ay nasaksihan daw nitong aktor na tumatalak at nag-aangilan ang tagapagtaguyod ng ToFarm Film Festival na si Dr. Milagros How at ang festival director nitong si Bibeth Orteza.

Continue reading below ↓

Naitanong tuloy ng aktor, may di pagkakaunawaan ba ang dalawa?

Bukas ang PEP Troika sa panig ng dalawa.

At sa dami naman ng itinirik nating kandila sa Bicolandia ay isama na natin sila sa ating petisyon.

GORGY RULA: Hindi naman mawawala ang ganung conflict dahil pressured na lahat.

Lalo na't pangatlong taon na ito ng ToFarm, tila wala pa ring nangyayari. Parang mas humina pa nga.

May pang-apat na taon pa kaya ang ToFarm? Sana meron pa.

Di lang tayo sure kung sina Direk Bibeth at Direk Joey Romero pa rin ba ang hahawak.

Pagdating naman kay Pokwang, sana may sarili na siyang show o mapasama naman siya sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Saka huwag na sanang ikabit sa kanya ang partner niyang si Le O'Brian kasi may sarili na ring career yun.

Mas mabuti kung may kanya-kanya silang tinatahak na career kesa lagi silang kinakabit sa isa't isa.

Read Next
Read More Stories About
Pokwang
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results