LJ Reyes at Paolo Contis, babae ang magiging anak

by PEP Troika
Sep 18, 2018

GORGY RULA: Ipinakiusap ni Paolo Contis na huwag munang ilabas ng PEP Troika kung ano ang gender ng ipinagbubuntis ng girlfriend niyang si LJ Reyes.

 IMAGE Courtesy of Paolo Contis

Ang gusto kasi niya ay si LJ muna ang maglabas ng masayang tagpo sa kanilang Gender Reveal party, na ginanap sa Joy Nostalg Hotel sa Ortigas noong Sabado ng gabi, September 15.

Continue reading below ↓

Ang ate ni LJ ang nag-organize ng naturang party na dinaluhan ng close friends at pamilya ng magkasintahan.

Ngayong araw, September 18, ipinost ni LJ sa kanyang YouTube channel ang video na may pamagat na "Baby Contis 2019."

Marami raw ang natuwa nang ini-reveal na girl ang ipinagbubuntis ng Kapuso actress.

Pero si LJ daw ang pinakamasaya sa lahat dahil gusto niya talagang magkaanak ng babae.


Ang kanyang panganay ay lalaki, si Aki.

“Happy kami pareho,” text ni Paolo sa akin.

Kahit nga si Aki na gusto niya sana baby brother ay masaya rin nang nalamang magkakaroon na siya ng baby sister.

Karamihan daw ay boy ang hula, pero masaya naman lahat.

Mapapanood sa YouTube ni LJ itong kanilang gender reveal party, pati ang reaksiyon ng guests nang nalamang girl ang ipinagbubuntis ni LJ.

NOEL FERRER: Congatulations kina Pao at LJ!

Ito na sanang batang ito ang magtutuwid ng lahat ng kanilang ginawa in the name of love.

Continue reading below ↓

Para kay LJ, kumpleto na siya with a boy and girl.

Si Pao, try pa rin para magka-boy!

All the best to this couple na finally nahanap ang match sa isa’t isa.

JERRY OLEA: Babae man o lalaki ang baby, ang dalangin natin ay mailuwal ito ni LJ nang maluwalhati.

Congrats sa kanila ni Paolo, at muli ay wish natin na lalong tumibay ang kanilang pagsasamahan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results