Direktor ng Marawi movie nina Robin Padilla at Piolo Pascual, nag-resign na

by PEP Troika
Sep 18, 2018

NOEL FERRER: Hindi pa man nakakapagsimula sa principal photography ang pelikula on Marawi, after a lot of pre-production meetings, heto at nag-resign na ang nakatakdang direktor ng proyekto na si Sheron Dayoc, isang premyadong direktor na taga-Mindanao.

 IMAGE Courtesy of Sefi Curada

Ang sabi niya sa kanyang statement, “I would just like to share to everyone that I have officially RESIGNED from the Marawi film project “ CHILDREN OF THE LAKE ” produced by Spring Films.”

Continue reading below ↓

“My professional career started and rooted in telling the narratives of the marginalized Muslim Mindanao and this project is no longer reflective of my beliefs as a Mindanao storyteller.”

“The producers and I have totally different perspectives on how the story of Marawi should be told.”

“Like everyone else in the production team, the sacrifices made for this project is no joke - declining several TVC jobs and pushing other film projects to give priority to this film.”

“This isn’t a love story, horror or comedy film that I would openly compromise. This is such a sensitive subject matter and the story must be treated with prudence in respect to all the lives lost during the war in Marawi.”

“I fought for what I believe is right on how to tell this story. I could be wrong, but I could also be right, but certainly I need to make a position and this is my stand.”

Continue reading below ↓

“I wish Spring Films the best and I hope that they will make a Marawi film that is truthful and beneficial to the Marawi people, specially the victims of war.”

Of course ang alam natin na ang key personalities sa proyektong ito ay sina Direk Joyce Bernal, Piolo Pascual, at Robin Padilla.

Continue reading below ↓

Anyare kaya?

 IMAGE Instagram photo of Robin Padilla

JERRY OLEA: Masalimuot ang sigalot sa Marawi, at bahagya lang iyong nadalirot sa one-act play na Marawi: A Musical ng 14th Virgin Lab Fest noong Hunyo 27-Hulyo 15 sa CCP.

Malalim ang ugat ng hidwaan sa Mindanao, nakabaon na sa kasaysayan, at hindi sapat ang paghimay roon ng pelikulang Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma na kalahok sa 14th Cinemalaya filmfest noong Agosto 3-12 sa CCP at lima pang sinehan.

Continue reading below ↓

Trailer pa lang ng pelikulang Ang Misyon: A Marawi Siege (2018) ay napangiwi na ako.

Pero napukaw ang aking damdamin sa proyektong Children of the Lake, na kuwento rin tungkol sa Marawi.

Ididirek kasi ito ng multi-awarded na si Sheron Dayoc, tubong-Zamboanga, at nagdirek ng critically-acclaimed Women of the Weeping River.

Ang cast ay pangungunahan nina Robin Padilla at Piolo Pascual.

Kaya ang pagre-resign ni Sheron sa proyekto dahil sa creative differences ay labis na nakakalumbay.

GORGY RULA: Hiningan ko ng statement sina Erickson Raymundo at direk Joyce Bernal ng Spring Films kaugnay sa pag-resign ni direk Shenon Dayoc, pero wala pa akong natatanggap na sagot sa ngayon.

Sino kaya ang nasusunod pagdating sa kuwento ng pelikula?

Kasi maiwasan sana ng pulitika ang pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results