Bibeth Orteza at Dr. Milagros How, nagsigawan pagkatapos ng ToFarm awards night

by PEP Troika
Sep 18, 2018

JERRY OLEA: Masaya ako na nagwagi ang kaibigang Richard Quan bilang best supporting actor ng 3rd ToFarm filmfest para sa historical drama na 1957.

Nag-congratulate ako sa kanya sa Facebook, at ang comment niya, “Ngayon, pwede na akong mag-walkout? Ha! Ha!”

 IMAGE Jerry Olea

Naisulat ko na nag-“walkout” siya sa presscon nang uriratin tungkol sa kanyang “mysterious video.”

Continue reading below ↓

Kaya ang reply ko sa comment ni Richard, “Indeed! Swerte sa walkout!”

Hirit ng aktor, “Ha! Ha! Excited na ako sa chance na mag-walk out uli! Ha! Ha!”

Masaya rin ako kay Bayang Barrios (Kauyagan) na katabla si Gilleth Sandico (Sol Searching) bilang best supporting actress sa ToFarm 2018.

Pero hindi ako masaya sa sigawan nina Bibeth Orteza (festival director) at Dr. Milagros O. How (chief advocate) matapos ang awards night ng ToFarm noong Setyembre 15, Sabado sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel.

Malungkot ako.

Continue reading below ↓
 IMAGE Courtesy of ToFarm Film Festival

NOEL FERRER: Heto ang nakuha kong kuwento tungkol sa mahiwagang sigawan sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La.

Kung ang iisipin ng iba ay tungkol sa pamamalakad ng ToFarm Film Festival ang pinagmulan ng “misunderstanding” ng dalawang feisty ladies, nagkakamali sila!

Nagsimula raw ito sa kaibigan ni Dra. How na gusto sanang mag-present ng award.

E, si Bibeth, bilang over-all in charge, na siyang gumawa ng script ng programa, ay nakitang medyo pilit kapag ginawa pa yun.

Pero ang balita’y kinausap niya nang maayos ang naturang personalidad at sinabing ika-cast na lang ito sa gagawing pelikula ni Vice Ganda (kung exposure ang habol nito).

Nagustuhan naman daw ni Moira Lang nang makita ang personalidad, at ipapasok na lang sa isinulat na pelikula para sa MMFF.

Pero hindi pa rin daw ito ikinatuwa ni Mrs. How, na nagsisigaw raw sa Rizal Ballroom pagkatapos ng seremonya.

Buti na lang may cooler heads na nasa gitna—si Direk Joey Romero (na literally nasa gitna ng nagbanggaang babae) at mga kaibigang sina Raquel Villavicencio at Manet Dayrit.

Continue reading below ↓

Sabi ni Direk Joey, “Okey naman na sila, hindi pa sila in love ulit, pero humupa na yung upheaval ng emotions.”

Nangyari iyan noong kasagsagan ng bagyong Ompong.

Ngayong wala na si Ompong, sana parang “disaster relief, rehabilitation and rebuilding” na ang mangyari rin sa ToFarm Film Festival.

GORGY RULA: Sinubukan ko ngang kontakin si Dra. How pero di siya sumagot.

Nag-text ako sa kanya, nagpakilala at tinanong kung totoo ang isyung yun.

Nag-text back siya ng "Who is this?"

Nagpakilala uli ako at hiningan ng statement para sa PEP Alert, hindi na siya sumagot.

Hindi pa naman ako nawawalan ng pag asa. Hinihintay ko pa rin ang sagot niya.

Baka hindi naman talaga sigawan. Baka napataas lang ang boses.

Baka nasanay lang sila kung paano mag-usap sa malawak na bukid na sinasaka?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results