Jake Zyrus, hindi pa rin dinadalaw ang maysakit na lola sa ospital

by PEP Troika
Sep 19, 2018

GORGY RULA: Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakadalaw si Jake Zyrus o Charice Pempengco sa kanyang lolang si Tess Pineda, na nasa ICU mula pa noong Lunes, September 17.

 IMAGE Noel Orsal

Nag-post ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco na sana ay makadalaw man lang ang paboritong apo ng kanyang ina. Obvious na si Jake ang tinutukoy.

Continue reading below ↓

Kaya nag-follow up ang PEP Troika kay Raquel ngayong Miyerkules ng umaga, September 19, kung nakadalaw na ba ang anak na singer.

Bahagi ng text sa amin ni Raquel, “So far, kahit anino ng anak ko at manager niya wala dito.”

Nabanggit ni Raquel na marami pa siyang gustong sabihin, at magpapasabi na lang siya kung kailan siya puwedeng tawagan.

Papunta siya ng hospital nung nakaka-text ko kanina. Kaya magbibigay raw siya ng panayam pagkatapos niyang ma-check ang kanyang ina sa hospital.

NOEL FERRER: Kakikita lang kay Charice, na ngayo’y Jake Zyrus, sa launch ng kanyang libro sa Book Fair noong Friday.

Marami siyang organized fans na nagpunta sa event.

Sana makuha niyang makadalaw sa maysakit niyang lola.

Mas lalong pinagpapala ang mga mababait sa nakatatanda.

JERRY OLEA: Nagkaroon man sila ng di pagkakaunawaan, dapat isantabi ni Charice aka Jake Zyrus ang kanyang hinampo.

Nawa’y maging compassionate ang apo sa kanyang lola.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results