Bibeth Orteza, nag-resign na bilang festival director ng ToFarm Filmfest

by PEP Troika
Sep 20, 2018

NOEL FERRER: Tuluyan nang nagbitiw si Bibeth Orteza bilang festival director ng ToFarm Film Festival pagkatapos niyang mairaos nang maayos ang kanyang hinalinhang puwesto ng yumaong si Direk Maryo J. de los Reyes.

 IMAGE Jerry Olea

No, this is not about the shouting incident na naganap sa pagitan nila ni Mrs. Milagros How noong awards night ng ToFarm filmfest sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La noong September 15, kundi personal na desisyon na ni Bibeth na magbitiw sa kanyang posisyon.

Continue reading below ↓

Tutal, Bibeth has her hands full sa pagiging MTRCB board member at sa kanyang various writing assignments, she must have chosen the more peaceful path.

Ano kaya ang masasabi ni Dr. How? Who U pa rin ba kaya?

JERRY OLEA: Nagampanan ni Bibeth ang kanyang tungkulin bilang festival director ng ToFarm.

Andiyan ang managing director na si Joey Romero para pumalit sa kanya.

Hopefully, may kasunod na edisyon pa ang indie filmfest na ito para sa mga magsasaka.

GORGY RULA: Sumagot naman si Dra. Milagros How nang tinext KO para hingan ng statement kaugnay sa pagRE-resign ni direk Bibeth.

Sumagot naman siya kaagad, pero yung tungkol sa insidenteng sigawan ang sinagot niya na wala naman daw ganung pangyayari.

Kaya tinanong ko ulit kung meron siyang puwedeng maibigay na statement tungkol sa pagRE-resign ni direk Bibeth sa ToFarm Film Festival.

Narito ang kabuuan ng text message niya sa akin:

“Sorry dear. I’m not used to this kind of interview. Politely I beg off from saying more.

Continue reading below ↓

"But I want to say—I never shouted, nor lost my temper, but I do get disappointed oftentimes, esp because I want everything to be perfect.

“I’m used to big events like this. I have at least 8 big events of this size very year. I do get exhausted, it’s normal and I’m only human.

"But I never shout especially not in front of my 80 farmers who were my special guests who came from different provinces to watch the event.”

Iyon lang daw ang puwede niyang maibigay at humingi siya ng paumanhin na hindi na raw siya makakasagot sa mga kasunod ko pang tanong.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Bibeth Orteza
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results