GMA-7, may tampo kay Regine Velasquez dahil sa paglipat nito ng network?

by PEP Troika
Sep 21, 2018

GORGY RULA: Nung nakaraang Martes, September 18, ang huling taping ni Regine Velasquez sa Sarap Diva, kung saan ipinagdiwang din nila ang 6th anniversary ng show.

 IMAGE Noel Orsal

Kapansin-pansin ang ipinu-post ng ilang staff sa social media na nagpapaalam sa kanilang host.

Nagpaalam na raw ang Asia’s Songbird sa production staff ng naturang programa. Iyon na raw ang huling episode niya.

Continue reading below ↓

Naluluha raw si Regine na nagpaalam sa kanyang staff.

Mayroon pa raw siyang gustong gawin na hindi niya nagawa sa Kapuso network na pinagsilbihan niya ng matagal na panahon.

Baka ia-announce daw ni Regine ang paglipat sa ABS-CBN pagbalik niya mula sa kanyang US concert tour.

Pero, totoo kayang may tampo ang mga taga-GMA-7 sa desisyon ni Regine?

Kasi naman, lahat ng adjustment ay ginawa nila para sa kanya.

Di ba, iyang Sarap Diva ay binuo para lang sa kanya dahil ayaw na raw niyang mag-soap?

Pati nga ang The Clash ay ginawa rin para sa kanya, di ba?

Ano tingin nyo rito, mga ka-Troika?

Kasi para sa akin, wala naman kailangang patunayan pa si Regine, e.

Siguro ang dapat na lang niyang patunayan ay loyalty. Loyalty is loyalty!

Pero wala naman tayong magagawa. Respetuhin na lang natin ang desisyon ni Songbird.

JERRY OLEA: Kung ang puso ni Songbird ay sa piling ng Kapamilyang si Ogie Alcasid at kaibigang si Jaya, so be it.

Continue reading below ↓

Sadyang totoo ang kawikaan, “The grass is always greener on the other side.”

Anuman ang kanyang pasya, huwag nawa niyang pagsisihan.

NOEL FERRER: Ako, hihintayin ko ang anumang announcement mula kay Regine man o sa GMA-7.

Pero tulad ng dati pang sinasabi, may natututunan sa anumang pagbabago.

At hindi lahat ng tumatawid, namamatay!

GORGY RULA: Ang isa pa palang nasagap ng Troika, itutuloy pa rin daw ng GMA-7 ang Sarap Diva.

Wala pa lang napipiiling kapalit na host.

Hindi kaya gawin nang "Sarap Di Ba" ang title nito?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results