PETA, hininto muna ang pagpapatugtog ng "Lupang Hinirang"

by PEP Troika
Sep 21, 2018

NOEL FERRER: Itinaon talaga ng Philippine Educational Theater Association o PETA ang launch ng kanilang 51st Season sa paggunita ng martial law ngayong araw, September 21.

Habang pinag-uusapan ang pagbabago ng lyrics ng "Pambansang Awit," inamin ng pamunuan ng PETA na nagdesisyon silang hindi muna mag-National Anthem bago ang kanilang pagtatanghal hangga’t hindi naibabalik ang paggalang sa karapatang pantao.

Kinansela nila ang "Lupang Hinirang" dahil ayaw raw nilang magbalatkayo na okey ang lahat ngunit naghuhumindig ang realidad ng extra-judicial killings at pagyurak sa karapatang pantao.

Continue reading below ↓
 IMAGE Courtesy of PETA

Dialogo at hindi hate campaign ng trolls ang gusto nila sa bawat nilang palabas ngayon, which includes Ang Buhay ni Galileo, which serves as a clear and powerful interrogation of truth and power; followed by a short run and a mobile tour in October of A Game of Trolls, a musical piece for millennials about fake news, martial law, and EJK.

By November, may PETA Laboratory output na Tagu-taguan Nasaan ang Buwan? para sa mga bata.

At sa unang bahagi ng 2019, PETA premieres a new production, Charot, a political satire about the future of our country under a new chapter.

PETA will also host special performances and events, like Jon Santos’s political spoof Trumperte, Dulaang UP’s Kundiman Party, Third World Improv Theater’s Manila Improv Festival 2019, the fifth year anniversary show of Words Anonymous, the popular spoken word group, and a Human Rights Film Festival in March, which will surely liven up the conversations with the audiences even more.

Also part of the lineup is the reunion concert and album launch of the band Buklod, composed of members Noel Cabangon, Rom Dongeto, and Rene Boncocan who were known in the '80s for songs like “Tatsulok”, “Kanlungan”, “Pagbabagong Nagbabago”, songs which were inspired by the lives, struggles, and aspirations of Filipinos.

Despite its busy show calendar, PETA will still offer its year-round workshops.

Continue reading below ↓

This includes the Workshop Weekends from January to March 2019, which allows creative break for young professionals, and its annual Summer Workshop for children, teens, and adults from April to June 2019.

Apart from learning about theater, the participants are encouraged to tackle the issues and themes that are in line with the “Stage of the Nation” campaign.

Sabi nga, ang hindi napagtutuunan ng gobyerno at kahit ng media ay puwedeng pagkaisahan ng sining at kultura, tulad ng PETA.

JERRY OLEA: Makabuluhan ang mga palabas ng PETA, na sumusuri o sumasalamin sa mga kaganapan ng ating lipunan.

Saludo ako sa paninindigan nilang huwag munang mag-"Lupang Hinirang" habang laganap ang paglapastangan sa bayang magiliw, ngunit ipahayag sana nila ito sa bawa’t simula ng kanilang pagtatanghal.

Mabuhay ang mapagpalayang teatro!

GORGY RULA: Sa akin naman, mas ramdam ko ang pagiging Pinoy kapag kinakanta ko ang ating Pambansang Awit.

Nanaig sa akin ang puso ng palabang Pinoy kapag kinakanta ang linyang "sa manlulupig di ka pasisiil..."

Continue reading below ↓

Hindi man iginagalang ang ating karapatan, manindigan at lumaban pa rin tayo.

Kung hindi man kayang lumaban ng taong inaapi at inaabuso ang karapatang pantao, tayo ang kumilos at lumaban para sa kanila.

Maganda ang mga nakalinyang palabas ng PETA. Sana mapalapit ito sa masa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results