Eerie nina Charo Santos at Bea Alonzo, di na isinali sa MMFF 2018

by PEP Troika
Sep 22, 2018

NOEL FERRER: Sa deadline ng finished films para sa Metro Manila Film Festival 2018 kahapon, September 21, 16 ang natanggap na entries ng aming Secretariat from 22 film companies (dahil sa mga co-production ng iba’t ibang kumpanya).

Sa mga isinumiteng scripts, hindi na kasali ang finished horror film na Eerie ng Star Cinema, starring Charo Santos and Bea Alonzo directed by Mikhail Red, dahil dalawa na ang official entries ng Star Cinema.

Continue reading below ↓

Maliban sa pelikula ni Vice Ganda with Dingdong Dantes and Richard Gutierrez, naki-co-prod na sila with Quantum and MJM Films sa Girl In The Orange Dress.

Kaya naman exciting kung anu-ano ang apat (4) na pelikulang makakapasok sa Magic 8 ng MMFF para sa taong ito.

Malalaman ang resulta pagkatapos ng screening at deliberations ng Selection Committee headed by National Artist Bienvenido Lumbera by October.

GORGY RULA: Kung may bahid ng commercialism ang unang apat na napili, inaasahang quality na talaga ang iku-consider sa natirang apat na pipiliin.

Kakaiba ang kuwento, magaling ang mga artista, magandang panoorin ang kabuuan ng pelikula.

Madalas namang nakakasilat ang matitinong pelikula sa box office at natatalbugan ang commercial films.

JERRY OLEA: Looking forward tayo sa apat pang pelikulang kalahok sa MMFF 2018.

Exciting! Ito pa rin ang pinakaaabangang fiesta ng mga pelikulang Pinoy!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results