Claudine Barretto out, Bella Padilla in sa pelikula ng Viva Films

by PEP Troika
Sep 22, 2018

NOEL FERRER: Taga-Viva na mismo ang nagsabing papalitan na si Claudine Barretto ni Bela Padilla sa pelikulang ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo para sa Viva.

Claudine Barretto and Bela Padilla
 IMAGE Instagram

Tutulak na sa susunod na buwan papuntang Georgia ang team para mag-shoot, at ang napipisil na bagong leading man sa proyekto ay walang iba kundi si Xian Lim.

Continue reading below ↓

Hindi pa yata alam ito ni Bela, pero aantabayanan natin ang reaksiyon nito especially since magkasama sila sa iisang kuwadra sa Viva Artist Agency.

Paano na kaya ang sinasabi ng taga-Viva na advance na nailabas na pera para sa proyektong ito, maisasauli pa kaya?

GORGY RULA: Parang maganda ring kumbinasyon itong Xian Lim-Bela Padilla tandem.

Mas positive ang pakiramdam ko diyan kesa ipilit natin ang unang casting, at baka magkaproblema lang sa kalagitnaan ng project.

Baka magandang pang-Valentine’s day offering iyan ng Viva, di ba?

Ang abangan naman natin ay kung aapir ba si Claudine Barretto sa ABS-CBN Ball.

Lately, nagpu-post ang aktres ng mga kuhang magkasama sila ng Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto. Posible kayang magkasama sila sa isang proyekto?

Kung matutuloy ang pagbabalik niya sa Kapamilya network, magkaroon kaya ng pagkakataong magkatrabaho sila roon ng estranged husband niyang si Raymart Santiago, na makakasama naman ni Judy Ann Santos sa Starla?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Malaking sugal na pagbidahin si Claudine sa pelikula.

Si Bela, mabango sa takilya. Subok na.

May mga showbiz reporter na imbiyerna kay Bela dahil “madamot” itong magbahagi ng mga bagay na personal, pero propesyonal siyang magtrabaho.

May sarili siyang hukbo ng mga tagahanga at tagasubaybay, at magiliw siya sa mga ito.

Excited ako sa kumbinasyon nina Bela at Xian. Positibo!

Kahit maliit lang ang papel ni Xian sa Miss Granny, aba, wagi ang movie sa takilya, ‘no?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results