Lola ni Jake Zyrus, nawalan ng paningin dahil sa mild stroke

by PEP Troika
Sep 22, 2018

GORGY RULA: Pansamantala palang nawalan ng paningin ang lola ni Jake Zyrus na si Tess Pineda, na nasa Sta. Rosa Hospital pa rin hanggang ngayon.

 IMAGE Courtesy: @jakezyrusmusic on Instagram / RA QU EL on Facebook

Nakausap ko ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco kagabi, September 21, sa phone patch interview namin sa kanya sa radio program namin sa DZRH.

Continue reading below ↓

Sinabi nga niyang naapektuhan ang paningin ng kanyang ina dahil sa pumutok na ugat sa ulo.

“Naputukan siya ng ugat sa ulo, kaya nagkaroon siya ng mild stroke. Ang effect nun, nawalan siya ng paningin.

“Na-mild stroke siya, pero ang nadale sa kanya yung ugat… yung sa paningin niya, pumutok ang ugat dun sa mata niya.

“May chance daw makakita pero matagal, unti-unti o baka hindi pa siya makakita,” pahayag ni Mommy Raquel.

Iniiwasan na lang daw nilang malungkot pa si Lola Tess, kaya pinapabawasan daw nila ang mga dumadalaw dahil tuwing may dalaw ito, naalala raw niya ang kanyang paboritong apo na hindi pa rin nakakadaan.

Tumawag at nag-text naman daw si Mommy Raquel sa manager ni Jake Zyrus, hindi raw ito sumagot.

Nakiusap si Mommy Raquel na sana makaalala naman daw si Jake na kahit iparamdam lang sa kanyang dumating ito, kahit hindi na raw magbigay ng tulong.

Continue reading below ↓

“Siyempre ang ini-expect namin, kahit meron o walang perang ibibigay, yung presence na lang niya na dalawin yung paborito niyang lola, kaisa-isa niyang lola na totoo,” dagdag na pahayag ni Mommy Raquel.

Ginagawan naman daw ng paraan ni Mommy Raquel na makaipon sila ng sapat na halaga para sa hospital bills ni Lola Tess.

Inaayos daw nila ngayon ang medical insurance nito, pati raw ang tulong ng DSWD, para makabawas naman daw sa babayaran nila sa hospital.

Nakakapagsalita na raw ngayon si Lola Tess, at malaki na ang improvement niito, at umaasa silang mabalik agad ang kanyang paningin.

NOEL FERRER: Sa nakakagulat na development, pagkatapos mag-confirm sa gagawing Pinoy Playlist Music Festival sa BGC Arts Center sa Oktubre, bigla na lang nag-beg off si Jake Zyrus sa kanyang tinanguang commitment.

Ni walang dahilan kung bakit.

Ano kaya ang pinagdadaanan ngayon ni Jake na dating Charice?

JERRY OLEA: Nitong Setyembre 9 lang ipinagdiwang ang Grandparents Day.

Continue reading below ↓

OK lang kung nagpaka-“devil” man siya at dinedma ang kanyang lola noong araw na iyon.

Pero di ba, ang “devil” ay fallen angel?

May pusong-anghel pa rin si Charice/Jake, at inaasam natin na magkaayos sila ng kanyang lola sa kabila ng lahat ng pasakit na pinagdaanan nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results