Binatang anak ni Victor Neri, sasabak na rin sa showbiz

by PEP Troika
Sep 22, 2018

JERRY OLEA: Excited na ipinakita ni Victor Neri ang picture ng panganay niyang si Vito, na co-star niya sa pelikulang A Short History of Bad Things na entry sa Cinema One Originals.

“Mas guwapo sa akin, o!” pagmamalaki ni Victor sa presscon ng pelikulang Hapi ang Buhay: the Musical nitong Setyembre 21, Biyernes ng gab, sa Cinema 4 ng SM Megamall, Mandaluyong City.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea / Instagram

Disisyete anyos si Vito, at kasintangkad na ni Victor.

Si Victor mismo ang nagma-manage sa panganay.

May isa pa siyang anak na lalaki, na limang taong gulang pa lang.

“Magaling! Magaling ding umarte!” bulalas ni Victor.

Siyempre, ginabayan ni Victor si Vito.

Kuwento ng aktor, “Sabi ko, ‘Kung magpi-first movie ka, dito!’ Kasi, kakatapos lang niya ng workshop, e.

“Ang ipinayo ko lang sa kanya, ‘You have to live up to the level and professionalism.’ Sabi ko, ‘Dad managed to have a name.’ Di ba?

“You have to earn that respect. Through the years. Sa mga direktor. It’s about craft. Concentrate sa craft.

“Hindi ko na nga pinayagan... hindi ko na pina-song and dance. ‘Magso-song and dance?’ Hindi na!”

Siyanga pala, ipapalabas ng isang linggo ang Hapi ang Buhay simula sa Lunes (Setyembre 24) sa New Era University.

Tampok din sa cast nito sina Mike Magat at Antonio Aquitania. Idinirek ito ni Carlo Ortega Cuevas.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

GORGY RULA: May problema ba si Victor sa sing and dance, baka may talent naman ang bagets?

Pero alam niyo bang si Victor din ang chef sa Estela na bar & restaurant ng mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes?

Okay ang friendship nila, na kaagad tumulong si Victor nung nagkaproblema ang mag-asawa sa unang chef na kinuha nila.

NOEL FERRER: That’s Victor Neri for you: tough guy, action star during his time. Pero isang mabuting ama at kaibigan.

Pwede sa aksyon, puwede rin sa drama. Pati na sa kantahan.

After his markadong role sa BuyBust, heto at sasabak siya sa matindihang action sa CinemaOne Originals, at mayroon siyang shows na pasisimulan sa INC channel din.

May his son get the best of him ... and even be better!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Victor Neri
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results