Dating sexy star na si Sabrina M, nakalaya na pagkatapos makulong dahil sa droga

by PEP Troika
Sep 23, 2018

JERRY OLEA: Nakalaya na ang dating sexy star na si Sabrina M matapos makulong noong Setyembre 2016 dahil sa kasong droga.

 IMAGE Sabrina M Facebook

Ayon sa post ni Sabrina M sa Facebook nitong Setyembre 22, Sabado, handa na ulit siyang “harapin ang bagong mundo at bagong simula ng buhay. Kalimutan ang hindi magandang naging karanasan pero handang gawin ang mga natutunan sa naging nakaraan...”

Continue reading below ↓

Nagpasalamat si Sabrina sa lahat ng nagdasal at nagbigay ng suporta para makayanan ang mga pagsubok sa buhay.

Dagdag ni Sabrina, “Maraming salamat sa 3 mga anak ko na kahit minsan, hindi nila ikinahiya ang nangyari sa buhay ko.

“Bagkus, pagmamahal at suporta ang ibinigay nila sa akin.maraming salamat sa inyo mga anak ko.”

Nagpasalamat din siya sa Panginoon sa pagkakaloob sa kanya ng panibagong pag-asa at pagkakataon.

Aniya pa, “God is really good...”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Si Sabrina M... siya ba yung katambal at na-link pa yata noon kay Roy Rodrigo?

Sana, sa panibagong pagkakataong ibingay sa kanya na mabuhay nang malaya ay ituwid na niya ang kanyang buhay.

Anumang marangal na trabaho ay makakatulong, kahit mamasukan at manilbihan siya kung kaninuman.

Baon niya ang pagdamay at suporta ng mga kaibigan noon sa showbiz, tulad ni Tito Gorgy.

GORGY RULA: Alam niyo, ang isa sa pinupuri ko rito, ang dating sexy star na si Katrina Paula.

Laging bukas ang palad niya sa mga nangangailangan.

Ang dami na niyang natulungang mga naghihirap na artista, pati mga kaibigang reporters.

Isa na rito si Sabrina M, na hindi niya talaga pinabayaan kahit nung nakakulong ito.

Ang masaklap pa rito, walang pamilya na tumanggap kay Sabrina, kaya si Katrina ang sumalo sa kanya.

Sa pagkakaalam ko, pansamantala muna siyang nakatira kay Katrina, at ito ang tumutulong para makapagsimula siya uli.

Continue reading below ↓

Inaayos daw ni Katrina ang guesting ni Sabrina sa Ang Probinsyano. Kaya baka doon unang magtrabaho ang dating sexy star.

Sabi naman ni Katrina, hindi niya bibitawan si Sabrina at talagang tutulungan niya ito basta panindigan ang pangako nitong magbago na siya talaga at tuluyan nang talikuran ang dating bisyo.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Katrina Paula
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results