Janella Salvador at Elmo Magalona, break na?

by PEP Troika
Sep 24, 2018

NOEL FERRER: Hiwalay na nga ba sina Elmo Magalona at Janella Salvador?

Iyan ang katanungang nasa isip ng mga tao pagkatapos makipagbati ni Janella sa kanyang ina na si Jenine Desiderio.

Matatandaang ang ElNella tandem ay in demand sa mga gigs (dahil pareho silang performers).

Pero teka, ano nga ba ang nangyari sa kanila?

Continue reading below ↓
 IMAGE Mark Atienza

JERRY OLEA: Naghiwalay ang young actress at young actor.

Nagpahiwatig ang young actress sa socmed na nabugbog siya.

Pumalag ang kampo ng young actor, at ipinahiwatig na ang young actress ang nanakit sa young actor.

Bago pa lumaki ang isyu, namagitan ang mga nakatataas sa kanila. Hindi hinayaan na pagpiyestahan ang hiwalayan at usaping bugbugan dahil makakasira iyon sa young actress at young actor.

Hindi sumawsaw sa isyu ang leading man ng young actress sa teleserye.

Later on, nagpahayag ang young actress na pinatawad na niya ang kanyang ex.

Hanggang ngayon ay tahimik ang young actor sa naganap sa kanila ng young actress...

Iyong umpisa ng hiwalayan issue nina Janella at Elmo ay hawig sa naganap sa young actress at young actor.

“Bumalik” si Janella sa kanyang ina, kaya masayang-masaya si Jenine Desiderio sa kaarawan nito.

Malinaw na hiwalay na sina Janella at Elmo.

Buwag na ba ang love team nilang ElNella?

Continue reading below ↓

Kung ano’t ano man, huwag na sanang haluan iyan ng mga anggulo o haka-haka na hindi makakatulong sa kanila.

GORGY RULA: Isang kaibigan ang nagkuwento sa amin na madalas na nga raw magkasama ngayon ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.

Mas mabuti sigurong dun na muna sa pag-aayos sila mag-focus at hindi itong isyu ni Janella kay Elmo.

Kung totoong nag-break na silang dalawa, isyu nila iyon at huwag na muna sigurong pakialaman ng iba.

Mabait naman sila, e, lalo na si Elmo na wala akong nakitaang kagaspangan ng ugali.

Tahimik lang naman ang young actor at walang ganung hanash sa social media.

Baka puwedeng harapin nila ang isyung sila lang at ang buong pamilya? Huwag munang pasalihin ang mga tao sa labas?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results