Concerts nina Alden Richards at Erik Santos, parehong matagumpay

by PEP Troika
Sep 24, 2018

NOEL FERRER: Sold out ang concert ni Alden Richards na Adrenaline Rush sa Kia Theater noong Biyernes, September 21.

 IMAGE Noel Orsal

Puno rin naman ang star-studded concert ni Erik Santos sa MOA Arena na My Greatest Moments noong Sabado, September 22.

In fairness, Erik’s voice was on top form at nandun ang kanyang powerful renditions ng signature songs niya sa 15 years sa industriya.

Continue reading below ↓
 IMAGE MOA Arena Instagram

Ang parehong concert ay natapos ng halos mag-iibang araw na—mga 11:30 p.m.

For a concert ng male artist, hindi talaga kailangan ng ganun karaming talkies, pero yun na yata ang attempt nila para ma-endear sa kanilang loyal supporters all these years.

Mas maaga pang natapos ang A Lani Morisette Concert, noong September 22 and 23, tampok ang dalawang magagaling na female singers natin ngayon na sina Lani Misalucha at Morissette Amon.

Continue reading below ↓
Lani Misalucha and Morissette Amon
 IMAGE Noel Orsal

Medyo paos si Morissette pero may style siya ng pag-hit ng high notes na kakaiba na napagkakamalang piyok, pero tunay na masakit sa lalamunan daw.

Buhay na buhay rin ang local concert scene dahil this week, may KIA Theater concert si Bugoy Drilon.

May Music Museum naman sina Noel Cabangon at Davey Langit.

At sa Biyernes naman, September 28, ang My 40 Years ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.

JERRY OLEA: Nakatutuwa ang tagumpay ng local singers sa kani-kanilang concert.

Sa mga pelikula kasi, matapos ang back-to-back blockbusters na Miss Granny at The Hows of Us, ang mga sumunod na local movies ay kotmalung (malungkot) o laymatam (matamlay) sa takilya.

Sa telebisyon, patuloy ang paghahari ng FPJ’s Ang Probinsyano, pero laging may mga bagong palabas na kinagigiliwan ng televiewers.

Patuloy ang pag-inog ng entertainment industry. Mababago na naman ang landscape kapag umarangkada na sa bansa ang VOD (video on demand).

Inaasam din natin na dumating ang panahon na may local movies sa IMAX format, o kaya ay 4D.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Bonggang-bongga nga ang mga concert lately.

Ang isa lang sa gusto kong malaman ay bakit na-cancel ang Pusuan Mo si Vice concert ni Vice Ganda sa Singapore kagabi, September 23?

Halos araw-araw pa namang pina-plug iyan sa It's Showtime.

Nagulat na lang ako na may nag-forward sa akin na announcement mula sa producer ng naturang concert na isosoli raw nila ang bayad sa mga nabiling tickets.

May kaibigan ako sa Singapore na ang aga raw nila bumili ng tickets, maka-cancel lang pala.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results