Sabrina M, handa bang mamasukan bilang kasambahay o labandera ngayong nakalaya na siya?

by PEP Troika
Sep 24, 2018

JERRY OLEA: Setyembre 22, Sabado ng gabi, ipinost ni Sabrina M sa Facebook ang tungkol sa kanyang paglaya matapos ang dalawang taong pagkakakulong.

Nag-PM (Private Message) kami kay Sabrina at nangumusta.

 IMAGE Sabrina M Facebook

“Trying to patch up things. Two years ang nawala sa akin,” reply ni Sabrina M nitong Setyembre 24, Lunes ng umaga.

Continue reading below ↓

Nilalakad ng mga kaibigan niya sa ABS-CBN na makapag-guest siya sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sabi niya, “Kung ano ang magiging plano ng Panginoon... alam ko na Siya ang may plano ng lahat para sa akin.

“Sa ngayon, kung ano ang ipagkaloob sa akin ng Panginoon, alam ko na dadalhin Niya ako sa magandang pupuntahan.”

Handa ba siyang mamasukan na kasambahay o labandera?

Mapagkumbabang tugon ni Sabrina, “Kasambahay o labandera, alam ko na mas may magandang plano ang Ama para sa akin.”

NOEL FERRER: Magandang maintindihan kung ano kaya ang nag-udyok kay Sabrina M na suungin ang madilim na nakaraan niya pagkatapos ng showbiz.

Magsilbing aral nawa ito para maging grateful sa kung anong mga biyaya na mayroon tayo at lalong tatagan ang suportahan.

Iba rin ang suporta ni Katrina Paula na naging tunay na kaibigan para kay Sabrina, at sana sa pagbabagong-buhay niya ay kasihan siya ng madla at tadhana.

Continue reading below ↓

Isang malaking leksyon talaga ito sa ating lahat, at kung paano natin hinaharap ang mga pagsubok sa buhay.

Walang bibitaw, di ba?

GORGY RULA: Ngayon ay nasa pangangalaga na si Sabrina sa dati niyang asawa, kasama ang isa nilang anak.

Yung dalawa niyang anak ay nasa tatay naman ng mga bata.

Ang gusto raw kasi ni Sabrina ay makasama niya ang kanyang mga anak.

Pero pinayuhan siya ng best friend niyang si Katrina Paula na unahin muna niya ang sarili bago ipunin ang kanyang mga anak.

Continue reading below ↓

Iniwan na raw kasi si Sabrina ng karamihang nga mga kaibigan niya, at si Katrina na lang ang natirang tumutulong sa kanya.

Mabuti na lang daw at may mga taga-ABS CBN na tumutok sa kaso niya at tumulong na ring bigyan siya ng trabaho.

Sabi ni Katrina, "Kailangan niya talaga makapagtrabaho para makapag-ipon na siya kasi gusto niya talaga makasama ang mga anak niya.

"Paano niya masuportahan ang mga anak niya, kung wala syang trabaho?"

Kapag makausap na natin si Sabrina, sana maipaliwanag niya kung paano siya nakalabas.

Hindi pa kasi tapos ang kaso niya, pagkakaalam ko, at hindi rin yata siya nagpiyansa.

Iyan ang susunod nating alamin.

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results