Abstract paintings ni Richard Gomez, sold out

by PEP Troika
Sep 25, 2018

JERRY OLEA: Sold out ang 16 abstract paintings ni Ormoc City Mayor Richard “Goma” Gomez sa opening ng “When Evening Comes” exhibit niya noong Setyembre 23, Linggo sa Pinto Art Museum, Antipolo City.

 IMAGE Mark Atienza

Pero may isang painting doon na hindi for sale.

“Iyong ‘She Said, Mine!’ Para kay Lucy (Torres-Gomez) yun,” nakangiting lahad ni Mayor Goma sa aming exclusive interview.

Continue reading below ↓

“Ha! Ha! Ha! Kay Lucy ‘yon! Kasi, nung ginagawa ko nung umaga, pinapatuyo ko na nung umaga, tamang-tama, paglabas ni Lucy, nakita niya, may ginagawa...

“Sabi niya, ‘That’s nice! That’s mine!’ Ha! Ha! Ha! Ha!”

Siyempre, iyon ang paboritong painting ni Congresswoman Lucy sa nasabing koleksiyon.

 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Ang saya naman! Nakita ko ang presyo ng artwork ni Goma at isa siyang pangkabuhayan showcase. Hindi siya mura, ha!

Continue reading below ↓

It just goes to show na may premium at mataas ang pagpapahalaga sa kanya at sa mga obra niya.

I’m so looking forward to his movie with the Megastar Sharon Cuneta, at siyempre, hindi siya dapat mawala sa My 40 Years concert ng Megastar sa Biyernes.

Go, go, Goma!!!

JERRY OLEA: Though more of a public servant now, andoon pa rin ang pagiging aktor ni Goma.

“Oo, nami-miss ko talaga,” sambit ng mayor ng Ormoc City. “Kaya nga magsu-shoot kami ni Sharon [Cuneta], e.”

Ang pagkakaalam ni Goma ay sa December ang target playdate ng reunion movie nila ni Megastar.

Dagdag ng aktor, “Start sila ng shoot this week. 'Tapos, magsu-shoot din sina Sharon sa Ormoc—para hindi rin naman ako masyadong mahiwalay sa trabaho ko doon.

“Makikita nila yung ganda ng Ormoc! Maiikot ko sila doon.”

Excited ba siyang makatambal muli si Sharon?

“Oo naman. Very much,” mabilis na sagot ni Goma.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mabuti at may time pa si Mayor Goma sa pagpipinta kahit naging abala rin siya sa nakaraang Asian Games.

Pagkatapos ng exhibit niya, sisimulan naman niya ang pelikula nila ni Sharon.

Dapat magmatyag pa rin si Goma sa paligid niya.

Ang narinig ko noon pa, may kalaban sa pulitika na pinaghahandaan na raw ang lalaban sa kanya.

Kaya next month malalaman din kung may laban ba ang tatapat sa kanya bilang alkalde ng Ormoc.

Sa takbo kasi ng mga pangyayari, mukhang mahirap nila patumbahin si Mayor Goma dahil mahal na mahal na siya ng mga taga-Ormoc.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results