Announcement ni Marian Rivera tungkol sa kanyang pagbubuntis, hinihintay na ng marami

by PEP Troika
Sep 25, 2018

NOEL FERRER: Sa aming Sunday Mass at family gathering with the Agoncillos, isa sa mga petition na ipinagdasal ay ang pagdadalantao ng isang aktres na asawa ng personal na kaibigan ng Pamilya Agoncillo.

Marami ang natuwa sa balitang iyon, na kahit hayagang pinag-usapan ay hindi muna kinukumpirma dahil nararapat lang na ang mag-asawa ang mismong magbigay ng pahayag.

Hintayin na lang natin ang kanilang announcement, at masaya kami para sa kanila.

And looking good sila pareho sa kanilang pictorials, ha!

GORGY RULA: Sa totoo lang, tinext ko si Marian Rivera kahapon, September 24, kung confirmed nga bang preggy siya.

Hindi niya ako sinagot.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Siya po ba ang tinutukoy mo, Sir Noel?

Sabi niya kasi sa nakaraang press launch ng isang endorsement, soon daw ay mag-a-announce siya.

Pero may show pa sa Amerika si Marian para sa GMA Pinoy TV kasama ang ibang Kapuso stars.

Abangan natin pagbalik kung magsasalita siya kaugnay sa tsikang buntis siya.

JERRY OLEA: Halata na ang baby bump ng magandang aktres.

Maraming pahiwatig sa socmed kaugnay sa kanyang pagdadalantao.

Maghahatid ng suwerte ang nasa sinapupunan ng aktres sa mabait na mister na tatahak sa bagong landas!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Marian Rivera
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results