Andeng Ynares, nakikita ang qualities ng superstar kina Jolo, Bryan, at Luigi Revilla

by PEP Troika
Sep 25, 2018

JERRY OLEA: Nakaka-touch ang mensahe ni Andeng Bautista Ynares para sa mga pamangkin na sina Jolo, Luigi, at Bryan Revilla sa mediacon ng pelikulang Tres nitong Setyembre 24, Lunes, sa 9501 Restaurant ng ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City.

 IMAGE Jerry Olea

“I call them The Boys, you know, the three boys of Kuya Bong,” malumanay na pahayag ni Andeng, kapatid ni dating Senator Bong Revilla.

Continue reading below ↓

“Para ko na rin silang mga anak. At pinagsasabihan ko sila na, you know, to keep your feet on the ground.

“Kasi, iyan ang payo ng tatay ko [Ramon Revilla Sr.].

“Tinanong ko siya, ‘Daddy, ano ang puwedeng i-advise mo doon sa tatlong batang lalaki? Ano ang secret ba ng pagiging isang superstar?’

“Ang sabi sa akin ng daddy ko... is humility. To be humble. And nakikita ko naman ang qualities na yun dito sa mga poging pamangkin ko.”

Dagdag pa ni Andeng, “You know, boys, I’m proud of you. Ahhh, give it all your best. Kayang-kaya natin ‘to.

“And hopefully, this will open doors for you para magkaroon kayo ng mga soap... kasi, iyan naman an dream ng papa niyo sa inyo.

“And yung papa niyo, ang pangarap sa inyo, maging superstar din kayo.

"Pero kailangan, always feet on the ground. Tama ba yun, boys?”

Continue reading below ↓
 IMAGE Jolo Revilla Instagram

Matapos ang mediacon, nakasama kami sa mga nag-asalto kay Bong sa Camp Crame.

Siyempre, present din doon si Andeng at ang mga bida ng Tres.

Sabi ni Bong, “Sana, kumita yung sa mga bata!”

Ngayong Setyembre 25, Martes, ang ika-52 kaarawan ni Bong.

Ikalimang birthday na niya ito sa kulungan.

NOEL FERRER: Ang sipag nilang mag-promote ng Tres, ha!

From yesterday’s activities hanggang sa party ng tatay nila, heto ngayon at laman sila ng TV—sa Umagang Kay Ganda at sa Magandang Buhay ng ABS-CBN.

View this post on Instagram

Thank you magandang buhay!! Thank you for the love! Damang dama namin ang pagiging kapamilya. �?�

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Sana nga at suklian ng mga manonood ang effort ng mga batang artistang ito na ilapit ang kanilang proyekto sa tao.

GORGY RULA: Isa sa birthday wish ng dating Senator Bong Revilla na mag-hit ang Tres.

Hudyat na rin kasi itong magpaka-active na muli ang Imus Productions.

Sa movies kasi gusto mag-focus ni Sen. Bong kung sakaling makalabas na siya. Hindi sa pulitika.

Kaya naguguluhan siya sa ilang dating kasamahan sa pulitika na pinangungunahan siya.

Continue reading below ↓

May isang kilalang pulitiko na nagpa-interview ang nagsabing ngayong araw raw, sa mismong birthday ni Senator Bong, mag-a-announce ang aktor kung tatakbo ba siyang senador sa 2019 elections.

Nagugulat daw si Bong dahil wala naman sa plano niya iyan.

Totoong maraming pulitiko, pati si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ang nagku-convince sa kanyang tumakbo.

Pero wala pa talaga sa isip niya iyan. Mas gusto niyang mag-movie muna.

Pero hindi rin natin alam kung ano talaga ang mangyayari kung makakalabas na si Bong.

Kaya batiin na lang muna natin ng Happy Birthday, Bong!

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results