Marian Rivera, kinumpirmang buntis nga siya

by PEP Troika
Sep 25, 2018

GORGY RULA: Nag-text ako kay Marian Rivera kahapon, September 24 ng umaga, para kumpirmahin kung totoo ba ang narinig naming usap-usapang nagdadalantao na siya ito. Hindi siya nakasagot agad.

 IMAGE Noel Orsal

Kaninang hapon, September 25, lang sumagot sa akin si Marian ng: “Yes. I am.”

Continue reading below ↓

Natuwa ako siyempre, dahil noon pa man sinasabi na ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes na gusto na raw talaga nilang sundan si Zia.

Kahit nga si Zia at kinukulit na raw sila kung kailan siya magkakaroon ng baby brother o sister.

Sinundan ko ng tanong si Marian kung ilang weeks na ang ipinagbubuntis niya, sinagot niya ako ng “Hahaha wag na, balato mo na sa akin.”

Kaya hindi ko na lang siya pinilit.

Sabi ko na lang sa kanya, okay lang basta safe ang ipinagbubuntis niya.

“Yes. Super okay,” mabilis niyang text back sa akin.

Kasama ang buong PEP Troika sa pagdarasal na maging safe ang pagbubuntis ni Marian hanggang sa panganganak niya.

NOEL FERRER: Ito nga ang ipinagdasal namin ng Pamilya Agoncillo noong feast day ni Padre Pio nitong Linggo, September 23.

Sa Barangay Agoncillo, may isa pang on the family way—si Bianca Gonzalez na kasama rin sa entourage nina Dingdong at Marian noong ikasal sila.

Continue reading below ↓

Small world. May susunod pa bang magre-reveal na may bagong baby blessing? Aabangan natin iyan soon!

JERRY OLEA: Nakakabilib ang paninindigan ni Dingdong — pamilya muna, bago political ambition.

Bata pa si Dingdong at may panahon pa para sumabak sa political arena.

Makakapaglingkod siya sa kapwa nang hindi kailangang kumandidato.

Mabuhay ka, Dingdong!

Patuloy nating idalangin ang kalusugan at proteksyon ng kanyang pamilya!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results