Martin del Rosario, todohan ang love scene kay Kiko Matos sa Born Beautiful

by PEP Troika
Sep 26, 2018

NOEL FERRER: Now it can be told. Ang obra ni Perci Intalan na Distance, tampok ang aming anak-anakang si Iza Calzado with Nonie Buencamino and Teri Malvar is competing at the Tokyo International Film Festival Asian Future section this October!

Ito ay isang pelikulang tahimik pero nanunuot sa puso, at naibigan ng competition programmer ng prestihiyosong film festival.

Congratulations, Team Distance!

Pagkatapos nito ay planong ilabas ng parehong produksyon nina Jun Lana at Perci Intalan ang Born Beautiful, na pinagbibidahan ni Martin del Rosario.

Sequel ito ng Die Beautiful, na nanalo ng Audience Choice Award at Best Actor Award para sa bidang si Paolo Ballesteros noong 2016 Tokyo International Film Festival.

Malalaman natin kung pasok din ang Born Beautiful bilang official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival bago matapos ang Oktubre.

JERRY OLEA: Ayon kay Kiko Matos, ang Born Beautiful ay isang pelikula at TV series.

“Iyong istorya ng pelikula, parang prelude ng series,” paliwanag ni Kiko, na katambal ni Martin sa proyektong ito.

Continue reading below ↓

“Kasi mahaba yung series, e. Marami siyang episodes.

"Itong pelikula, pinaigsi. Siya yung first five episodes ng istorya ng series.

"Iyong first five episodes, compressed.”

Sabi ni Kiko, todohan ang love scene nila ni Martin kahit pa sa TV version ng Born Beautiful.

“Walang censor. Kasi, ipapalabas siya sa cable, e,” aniya pa.

View this post on Instagram

U Can't Touch This. @rxandy

A post shared by Francisco "kiko" Matos (@badassmatos) on

GORGY RULA: Balik-Tokyo International Film Festival si Iza kung saan itinanghal siyang Best Actress para sa pelikulang Bliss noong 2017. 

Mag-take two kaya siya sa naturang film fest?

Ito namang Born Beautiful, swak kaya ito sa MMFF kung ganyang may mga maiinit na love scenes sina Martin at Kiko?

Abangan na lang natin kung ito ang pipiliin kesa sa iba pang temang kabadingan na movie gaya ng Rainbow's Sunset.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results