Apat na entries sa ToFarm Film Festival, ipalalabas ulit sa mga sinehan

by PEP Troika
Sep 26, 2018

GORGY RULA: Simula ngayong araw, September 26, muling ipalalabas sa Trinoma, Gateway, at Greebelt Cinema 1 ang apat na pelikulang kalahok sa katatapos lang na ToFarm Film Festival, na binuo ni Dra. Milagros How ng Universal Harvester, Inc.

Ito yung apat na pelikulang naging topgrosser nung nakaraang ToFarm at humakot din ng awards.

Ang Tanabata’s Wife na idinirek nina Lito Casaje at Charlson Ong tampok sina Miyuki Kamimura at Maribeth Fanglanyan. Ito ang nanalong First Best Picture at humakot ng pinakaraming awards.

Continue reading below ↓

Ang futuristic film na Alimuom na dinirek ni Keith Sicat, tampok sina Ina Feleo at Kiko Matos at nanalong Third Best Picture.

Kasama ring mapanood ang People’s Choice na Sol Searching na pinagbidahan ni Pokwang at dinirek ni Roman Perez, Jr.

At ang Mga Anak ng Kamote na dinirek ni Carlo Catu, tampok sina Katrina Halili at Alex Medina at Carl Guevarra na bagong talent ni Sir Noel.

Makikita sa Facebook account ng ToFarm Film Festival ang schedule ng screening ng apat na pelikula.

Sabi ni Dra. How, inaayos daw nila ngayon ang pagpapa-schedule ng screening ng ToFarm movies sa iba’t ibang lalawigan para lalong maiparating sa mga magsasaka.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ligwak ganern ang 1957 (kung saan best supporting actor si Richard Quan) at ang Kauyagan (kung saan best supporting actress si Bayang Barrios).

Nawa’y suportahan ng moviegoers ang mga makabuluhang pelikula ng ToFarm 2018, kahit merong Exes Baggage ang CarGel.

NOEL FERRER: Good iyang effort para mas palawakin pa ang audience sa ToFarm entries.

Ang tanong lang, e, bakit yung four na films lang ang may dagdag na commercial run?

Nasaan ang Second Best Picture na 1957?

Sana mabigyan pa ng pagkakataon ang iba pang film entries.

At may update na ba kung sino ang hahalili sa posisyon ni Bibeth Orteza bilang ToFarm Festival Director? O inaayos pa iyan ni Dra. Milagros How?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results