Concert ng revival king na si Jojo Mendrez, sold out na

by PEP Troika
Sep 26, 2018

JERRY OLEA: Tigmak ng luha ang Revival King na si Jojo Mendrez noong Setyembre 24, Lunes.

Sold out na kasi ang concert niya na nakatakda sa Oktubre 5 ng gabi sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Jojo Mendrez with Pilita Corrales
 IMAGE Jojo Mendrez Facebook

Lumuha muli ang mang-aawit mula sa Lucena City sa pagsapit ng kanyang kaarawan nitong Setyembre 26, Miyerkules.

Continue reading below ↓

Post ni Jojo sa Facebook, “Umiiyak ako ngayong birthday ko, Panginoon, dahil sa hindi ko maipaliwanag na saya at pasasalamat sa walang hanggang pagmamahal Mo sa akin.

“Sana, sa nalalabing buhay ko, Panginoon, ay makapagsilbi ako at magawa ko ang mga bagay na nais Mong ipagawa sa akin.

“Maraming salamat po at patawarin Mo ako sa lahat ng aking pagkukulang...”

Naku! Nakikini-kinita ko na ang pagluha ni Jojo sa concert habang kinakantahan niya ang idolong si Nora Aunor ng "Handog!"

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sa gitna ng pangmamaliit ng iba nating kababayan kay Jojo, pati na ang masasakit na salita na pinakawalan sa kanya mula nang mag-announce tungkol sa concert, nanahimik lang siya at naayos ang lahat.

Now that he’s celebrating his birthday, he knows better kung sino ang mga totoo niyang kaibigan at yung nanggagamit lang.

Kahit kami’y nalukungkot dahil saksi kami sa mga side comments ng mga tao tungkol kay Jojo, pero through time, alam nila na pinakitunguhan sila ni Jojo nang maayos.

Kaya, sa birthday concert niyang ito, marami siyang kailangang ipagpasalamat. Now he knows better. He is also a good judge of character.

Happy birthday and good luck, Jojo!

GORGY RULA: Pati nung nag perform siya sa Star Awards for Music, may panlalait ding nakarating sa kanya pero hindi raw talaga siya apektado.

Mas binibilang niya ang mga magagandang bagay na dumarating sa kanya.

Kagaya ng kabaitan at suporta sa kanya ni Pilita Coralles. Ang saya lang daw ng rehearsal nila kagabi, September 25.

Continue reading below ↓

Pero yung partisipasyon ni Ate Guy, iyan ang ating abangan. Darating kaya si Ate Guy o deadma na siya?

Abangan natin iyan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results