NOEL FERRER: Isang magandang balita ang bumungad sa Team Signal Rock ni Direk Chito Roño dahil ito ang napiling entry ng Pilipinas sa foreign language film category sa 91st Oscars.
Signal Rock joins the ranks of Birdshot of Mikhael Red, Ma' Rosa of Brillante Mendoza, Heneral Luna of Jerrold Tarog, Norte, Hangganan ng Kasaysayan of Lav Diaz, Transit of Hannah Espia, Bwakaw of Jun Lana, and Ang Babae Sa Septic Tank ni Marlon Rivera.
Will this finally bring us our first nomination and possibly an award mula sa Oscars? Sana naman!
JERRY OLEA: Hope springs eternal, 'ika nga.
Patuloy tayong ho-hopia na ma-nominate (at magwagi) sa kategoryang best foreign language film ng Oscars (Academy Awards).
Matagal din nating pangarap na bituin na masungkit ang korona ng Miss World, at nagawa iyon ni Megan Young.
Kailangang makalikom tayo ng sapat na marketing money para ma-promote at umingay sa Oscars ang Signal Rock.
Sana, tumulong ang gobyerno.
