JERRY OLEA: Kakaiba ang karisma at alindog ni Jason Abalos bilang trans woman sa bagong Kapuso drama series na Asawa Ko, Karibal Ko.
“Mas maganda pa siya kay Destiny Rose!” palatak ng aming gorgeous source.
“Kering sumali sa Miss Universe! At kamukha niya si Sandy Andolong!”
Kaabang-abang ang dramatic confrontation nila ng kanyang lover sa istorya, na ginampanan ng papalicious yummylicious na si Matthias Rhoads.
Maliban kay Jason, bida sa panghapong serye sina Kris Bernal, Rayver Cruz, at Thea Tolentino.
NOEL FERRER: I have always believed in Jason’s capabilities as an actor. Urian awardee kaya ‘yan!
Akala nga natin, Jerry, siya na ang next leading man ni Jennylyn Mercado, di ba?
Yun pala, ito ang ang nakaabang na role para sa kanya.
Kay Kris Bernal at Thea Tolentino muna siya. Good luck, Jason!
GORGY RULA: Ang isa pa sa nagulat doon sa look test ng Asawa Ko, Karibal Ko ay si Matthias Rhoades, dahil pagdating niya roon ay hindi siya aware na isang gay lover pala ang gagampanan niya sa drama series.
Ang tagal daw nag-sink in sa kanya na gaganap na siya ng ganun kaselang role.
Parang hindi pa siya kasi ready kaya kailangan pa raw niya mag-workshop para mapaghandaan ang role na yun.
Pero bentang-benta pa rin ang kakisigan niya dahil talagang pinaghubad siya at nagpakita nang bonggang abs sa look test nito.
Featured Searches: