Fil-Italian model na nag-akusa kay Harvey Weinstein, darating sa Pilipinas

by PEP Troika
Sep 27, 2018

JERRY OLEA: Darating sa Pilipinas ang Victoria’s Secret model na si Ambra Gutierrez sa Setyembre 29, Sabado.

Ang 26-year-old Fil-Italian model ay mitsa sa pagbagsak ng Hollywood mogul na si Harvey Weinstein.

 IMAGE Instagram

“Gusto niyang ma-explain yung mga talagang nangyayari,” sabi ng talent manager na si Rex Belarmino.

“Halos one year ago pa nang huling nandito siya sa bansa, bago pumutok ang isyu kay Weinstein.

Continue reading below ↓

“Last summer pa sana uuwi rito si Ambra, pero nagkaroon ng mga hearing sa kaso. Andoon siya dapat.

“Ngayon, maluwag-luwag na ang schedule niya.”

One week lang mag-i-stay sa bansa si Ambra, na Pinay ang ina.

Yung brother niyang si Claudio ay nagmomodelo rito sa Pilipinas.

Umalis si Claudio two weeks ago para magbakasyon sa Italy, pero babalik siya rito.

May ginagawang true-to-life story si Ambra—pelikula tungkol sa pinagdaanan niya—sa ilalim ng Archstone Pictures.

Naglunsad din siya ng podcast na “In Our Words.”

Teka! Rarampa ba ang kontrobersiyal na si Ambra sa Victoria’s Secret Fashion Show 2018 sa New York City?

Aalamin ‘yan ng PEP Troika sa kanya!

Continue reading below ↓
 IMAGE Instagram

NOEL FERRER: Sana sa pagdating dito ni Ambra Gutierrez, mayroong ma-inspire sa ginawa niyang paglantad sa publiko to stand against sexual harassment or any form of abuse.

Actually, sana nga ay magkaroon din ng ganitong documentary sa ating bansa, tulad ng nasimulang #MeToo movement sa Amerika.

Sinu-sino sa tingin mo ang mga matatapang na lalantad, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Curious ako at gusto ko sanang sagutin ni Ambra kung totoong may bibilhin daw siyang property sa Boracay?

Kung totoo nga, katas ni Weinstein kaya ito?

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results