Tambalang Carlo Aquino-Angelica Panganiban, pinatunayan ang lakas sa takilya

by PEP Troika
Sep 27, 2018

NOEL FERRER: Nagtala ng PHP21 million ang first-day box-office gross ng pelikula nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage.

 IMAGE Noel Orsal

This makes their tandem bankable, lalo pa’t hindi naman kalakihan ang budget ng produksiyon kaya mabilis itong mababawi.

Kaya asahan nating marami pang pagbibidahang mga pelikula ang mga mahuhusay na artistang ito.

Continue reading below ↓

Yung pelikula naman ni Rhian Ramos kasama si Monsour del Rosario ay nagtala ng PHP5,000 ng 5 p.m. kahapon, ewan lang kung nakabawi pa ito pagsapit ng gabi.

Samantala, patuloy pa ring lumalaban ang pelikula ni Alex Gonzaga na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, na may mga tao pa naman sa sinehan kumpara sa pelikulang kapanabayan nito.

JERRY OLEA: Ang dami kong kasabay na nanood ng Exes Baggage sa 5:15 p.m. screening nito sa Dolby Atmos theater ng Gateway Mall nitong Setyembre 26, Miyerkules.

Maalab ang sexual tension ng CarGel, lalo pa’t may pa-abs si Carlo Aquino at walang kiyeme si Angelica Panganiban sa pagpuwesto bilang woman on top.

Wagas ang mga hugot ng mga karakter nilang sina Nix at Pia, pero simple at kaswalan ang delivery. Natural. Mas matindi tuloy ang tama.

Ang galing nilang dalawa. Ang galing-galing!

Gustung-gusto ko ang eksena ng paghihiwalay nila. Tahimik lang sila. Nagpapakiramdaman. Nagtitimbangan.

Continue reading below ↓

Pero damang-dama ko ang lagablab ng kanilang damdamin!

GORGY RULA: Masuwerte talaga si Angelica sa box office.

Maganda pa ang feedback sa pelikula kaya ang dami tuloy nagkainteres na kunin si Direk Dan Villegas.

Ilang producers ang nagtatanong kung puwede siyang magdirek sa ilang movie project, pero nakapirma pala siya sa Star Cinema at puno na raw hanggang 2019.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results