Ejay Falcon, inaming di naligo nang mag-taping ng Koreanovela na Where The Stars Land

by PEP Troika
Sep 28, 2018

GORGY RULA: Dumating na si Ejay Falcon mula Seoul, South Korea kung saan isang linggo siyang nag-taping, kasama si Lauren Young, para sa Koreanovela na Where Stars Land na pinagbibidahan ng Korean stars na sina Lee Je Hoon at Chae Soo Bin.

Continue reading below ↓
Ejay Falcon with Lee Je Hoon
 IMAGE Instagram

Ang direktor daw nito ay ang nagdirek ng Lovers in Paris (2004). Pero may apat pa raw silang direktor na ang isa ay namamahala sa mga action scene.

Kakaibang experience daw ito kay Ejay bilang artista dahil iba raw pala talaga magtrabaho ang mga Koreano.

“Iba ang disiplina nila dun. May disiplina rin dito, pero iba dun.

“Walang petiks dun, pagdating sa trabaho.

"Iba dun. Kahit wala ka sa eksena, dapat dun ka pa rin nakatutok.

"Bawal nga cellphone dun. Wala kang nakikitang nagsi-cellphone.

"May disiplina sila sa trabaho. Gusto ko paano sila magtrabaho."

Dagdag ng Kapuso actor, "Parang pelikula ang atake namin dito, e, pero TV series siya.

"Seryoso sila sa trabaho, Hindi sila bumibitaw sa karakter.

"Sana ganun ang trabaho sa atin, kasi mas mabilis at quality naman talaga."

Continue reading below ↓
Ejay Falcon with Chae Soo Bin
 IMAGE Ejay Falcon Instagram

Hindi alam ni Ejay kung ipalalabas dito ang Where The Stars Land, pero proud siya sa Koreanovela na iyon dahil naging bahagi raw siya ng isang magandang project.

Nanibago nga raw siya nung unang araw sa taping dahil kararating lang niya ng Korea, pinadiretso agad siya sa set.

"Dumating ako sa airport mga 4 ng umaga, 'tapos kinol ako ng 6.

"Hindi na nila ako pinapunta ng hotel. Wala akong ligo-ligo, straight from the airport.

"Hindi na raw ako puwedeng dumaan ng hotel para maligo lang kasi magkakaroon daw ng delay ang shooting nila.

"Buong araw, eksena ko lahat. Iyon pa pinakamabigat ko na eksena, 'tapos aksyon pa," dagdag na kuwento ni Ejay.

NOEL FERRER: Sana maipalabas dito ang ginawang Koreanovela ni Ejay Falcon para makita natin ang improvement sa kanyang acting.

Ito na bang project na ito ang magde-define sa kanyang pagiging aktor?

JERRY OLEA: Basta, aabangan ko ang koreanobelang ‘yan ni Ejay.

Continue reading below ↓

At sana, mainterbyu ko na siya kaugnay sa kanyang pinakaiirog na handang pakasalan!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Ejay Falcon
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results