Pauleen Luna, gusto nang sundan si baby Talitha

by PEP Troika
Sep 28, 2018

GORGY RULA: Ganadong-ganado pa naman daw ngayon si Pauleen Luna sa bagong negosyo niyang Talitha candles, biglang natigil dahil sa bagyong Ompong.

Kuwento ni Pauleen nang nakatsikahan ko sa Eat Bulaga! kahapon, September 27, tatlong linggo raw out of stock ang mga kandila niya dahil walang delivery ng soya.

Soya raw kasi ang ingredient ng Talitha candles niya. Kaya lang, hindi nakapag-deliver ang supplier niya dahil sa bagyong Ompong.

Kaya hindi na raw muna siya tumatanggap ngayon ng order dahil hindi pa niya alam kung kailan makakapag-deliver sa kanya ng materyales.

Natutuwa at proud si Pauleen sa anak nila ni Bossing Vic dahil napakabait daw nito.

Hindi raw nagrereklamo ang bagets kapag marami ang gusto magpa-picture sa kanya. Nakakatulugan na lang daw nito minsan.

Tingin daw niya, puwede na nilang sundan si Talitha dahil gusto talaga nila ng maraming anak.

Keri na raw niyang mabuntis uli next year.

View this post on Instagram

Happy weekend, everyone! ð??? @storkstudio

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

JERRY OLEA: “Nainggit” ba si Pauleen kay Marian Rivera na nagdadalantao ng pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes?

Continue reading below ↓

Kung ganun, dalas-dalasan ni Poleng ang pagkalabit kay Bossing!

Go, go, go, Pauleen! The more, the merrier!

NOEL FERRER: Baby number 2? Why not?

Ipagdarasal natin iyan, at kung ano pa ang reinvention ni Pauleen as a mother and an entrepreneur at kung anupaman.

Go, Pauleen!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results