ABS-CBN Ball, pinaghandaan nang husto ng mga Kapamilya

by PEP Troika
Sep 29, 2018

NOEL FERRER: Handang-handa na ang mga artistang dadalo sa kauna-unahang ABS-CBN Ball na gaganapin sa Makati Shangrila.

Lahat ay dadaan sa red carpet at laman sila ng iba’t ibang platforms tulad ng Lifestyle Channel, Myx, Jeepney TV, ang kanilang online channels pati na sa kanilang news and entertainment pati publishing division.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga namataan natin na naghahanda ang mga prime artists ma sina Judy Ann Santos na nagpapaayos kay Jing Monis with her woke-up-like-this look, Martin Nievera na nagpa-facial nang bongga.

 IMAGE @martinnievera on Instagram

Si Adrian “Luis” Alandy na nagpa-scalp massage pa at ang mga Santiago brothers na sina Raymart, Rowell, Reilly Santiago na first time magsasama-sama sa red carpet kasama ang kanilang Kuya Randy.

Continue reading below ↓

Nakatakda ring dumalo ang kaka-40th Anniversary concert pa lang na Megastar Sharon Cuneta at ang kanyang favorite leading man Richard Gomez.

Aabangan natin yan!

GORGY RULA: Hindi pa nagsisimula ng shooting sina Sharon at Mayor Goma, nagsisimula na silang magpainit ng pagbabalik ng kanilang tandem.

Nasimulan na nga ito sa concert ni Mega kagabi.

Itong pagdalo naman ng Santiago brothers ay hudyat na nang pagiging Kapamilya ni Raymart.

Ang kaabang-abang mamya ay kung sino ang uuwing di na makagulapay sa kalasingan o kung sino ang magkakainitan.

Definetely, maingat naman diyan ang taga Dos.

Ilang araw na nag meeting ang mga handlers para alam na nila kung ano ang dapat gawin.

JERRY OLEA: Waley na ang Star Magic Ball.

Pinalitan ng level-up na ABS-CBN Ball.

“Share the Love” ang tema, kaya ito ay isang makabuluhang event.

Pero siyempre, ang glitz and glam ang mas nangingibabaw.

Mas star-studded ito, mas starlet-infested din.

Continue reading below ↓

Nagkakaalaman dito kung sinu-sino ang mga tunay na bituin, at kung sinu-sino ang La Ocean Deep.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results