Iya Villania, balik-Chika Minute na sa October 8

by PEP Troika
Sep 29, 2018

GORGY RULA: Babalik na sa October 8, Monday, si Iya Villania bilang host ng "Chika Minute" sa 24 Oras ng GMA-7.

Dalawang buwan ding nawala sa naturang news program si Iya dahil nag-maternity leave ito nang ipinanganak niya ang pangalawang baby nila ni Drew Arellano.

 IMAGE @drewarellano on Instagram

Baby boy uli ang pangalawang anak nina Iya at Drew Arellano na pinangalanan nilang si Leon.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Iya, mas na-enjoy niya ngayon ang pag-alaga kay Baby Leon kesa kay Primo dahil nahirapan niya sa adjustment sa unang panganganak niya, kumpara sa pangalawa.

Ani Iya, “Ngayon ko masasabi na na-enjoy ko yung newborn stage.

“Kasi kay Primo hindi ko masyado na-enjoy.

“Bagal na bagal ako sa oras, 'tapos…well, mas challenging, kasi siya lang yung newborn na gusto lang magpakarga, ayaw niyang matulog kapag binababa mo.

“At least this time, I guess dahil may pang-distract na ako sa oras dahil nandiyan si Primo, mas na-enjoy ko siya.

“Ngayon, parang everything's just happening naturally.

“Mas relaxed ako ngayon, alam ko yung ginagawa ko.

“I also think na malaking bagay yung kalmado ako kasi mas naging kalmado rin si Leon.

“Feeling ko kaya rin mas mahirap si Primo nun, kasi stressed ako.

“Apparently, nararamdaman din yun ng bata.”

Medyo nag-emote lang daw siya na dahil sa ginugol na oras niya kay Baby Leon, mas napalapit daw lalo si Primo kay Papa Drew.

Continue reading below ↓

“Nung pinost ko nga sa Instagram, ang daming Mommy na naka-relate sa akin na... 'Hay naku hija, yun din ang pinagdadaanan ko. Yun din ang nangyari sa amin.'

“Meron pa nagsabi na, 'Mas okay pa yung sa papa siya malapit kesa sa ibang tao.' Oo nga ano?

“I mean at the end of the day, I want Primo to look up to his dad.

“I want Primo to want to be like his dad.

“So, for him to be attached to his dad it only means that Drew is also giving him the time, kaya din na-attach sa kanya.

“Kaya nakakatuwa din pala.

“Nung una kasi, gusto ko ako lang yung kailangan ni Primo e,” saad ni Iya.

Excited na raw siya sa pagbabalik niya sa 24 Oras dahil muling makakasama niya sina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Yun nga lang, hindi muna niya makakasama si Mike Enriquez, pero natutuwa rin daw siya na makakasama niya si Atom Araullo na maganda ang feedback sa pagbibigay nito ng balita sa 24 Oras.

Continue reading below ↓

Natutuwa rin daw si Iya kapag pinapanood niya ang mga nag-pinch hit sa kanya na sina Heart Evangelista, Megan Young, Glaiza de Castro, Kris Bernal na karamihan dun ay mga kaibigan niya.

“Sabi ko nga kay Heart, ‘Heart, masyado kang maganda diyan, babalikan ko pa yung trabaho ko ha?' natatawang pakli ni Iya.

JERRY OLEA: Kailangang magsakripisyo alang-alang sa pamilya.

Nagtatrabaho naman si Drew, kaya OK lang na hinay-hinay muna si Iya sa pagkayod.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results