Vice Ganda, Coco Martin, dadalo sa premiere ng pelikula ng Revilla brothers?

by PEP Troika
Sep 30, 2018

JERRY OLEA: Nagsusuportahan ang magkakapatid na Jolo, Bryan at Luigi Revilla na mga bida sa trilogy movie na Tres.

 IMAGE Jolo Revilla Instagram

Magkakaalaman na sa premiere night ngayong Linggo, Setyembre 30, sa SM Megamall kung sino sa kanila ang mas angat at mas may karapatang sumunod sa mga yapak ng lolo nilang si Ramon Revilla Sr. at amang si Bong Revilla.

Continue reading below ↓

May kanya-kanya silang strength.

Sabi ng tiya nilang si Andeng Bautista Ynares sa mediacon kamakailan sa 9501 Restaurant, QC, “Kung mapapanood niyo lang yung pelikula, si Bryan, magiging revelation talaga.

“It’s going to be a surprise for everyone.

“Magaling sa acting. I won’t be surprised kung pagbigyan ako ni Tita Malou [Santos] na mag-guest si Bryan sa Maalaala Mo Kaya.

“Si Luigi, ganun din.

“Blackbelter yan, di ba? 'Tapos, magaling din siyang kumanta.

“Si Jolo, ganun din. Kung anong charming ng daddy niya, nakuha yata ni Jolo.”

NOEL FERRER: At kung makalaya man si Senator Bong, maganda ngang mag volt in ang mag-aama sa isang proyekto rin.

At bukod sa mga boys, gusto ko ring malaman kung sino sa mga babae ang magshi-shine: si Assunta ba? Si Rhian? O si Myrtle?

Good luck!!

GORGY RULA: Tuwang-tuwa naman sina Andeng at dating Sen. Bong Revilla dahil ang daming nagpahayag ng suporta sa pelikulang ito.

Continue reading below ↓

Nagpasabi raw si Vice Ganda na dadalo siya kaya natuwa naman si Jolo na kaibigan pala ang Unkabogable Star.

Pati ang team ng Ang Probinsyano ay darating daw, at baka kasama pa si Coco Martin.

Kapag okay na raw ang pakiramdam ng dating Ramon Revilla Sr. ay dadalo rin siya dahil excited na raw siyang mapanood ang mga apo niya.

Kaya abangan mamya ang mga sidelights na magaganap sa premiere night.

Sa October 3 ang showing ng Tres na birthday pala ni Rhian Ramos.

Kaya pakiusap ng Kapuso actress na sana pa-birthday na lang daw sa kanya ang suporta sa pelikulang ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results