Dessa, inagawan nga ba ng Powerhouse Diva title?

by PEP Troika
Sep 30, 2018

JERRY OLEA: Natigalgal ang ilang nagmamalasakit kay Dessa nang bansagan ng GMA-7 si Maricris Garcia bilang Powerhouse Diva.

ILLUSTRATION DESSA -- The Powerhouse Diva Facebook page

Noong 1990s pa kasi iginawad kay Dessa ang taguring Powerhouse Diva, maliban sa pagiging Front Act Queen nito.

Hayan at may PEP article noong 2007 na tinawag si Dessa na Powerhouse Diva.

Continue reading below ↓

E, noong taon lang na iyon nag-umpisa si Maricris sa showbiz.

Quiet lang si Dessa na inagawan siya ng title pero pumalag ang ilang kaibigan niya.

Ayon sa aming source, “Kawawa si Dessa. Pinaghirapan niya ang title na Powerhouse Diva.

“Puwede kayang pakiusapan ang management ni Maricris na ibang title na lang ang ipagkaloob dito?”

NOEL FERRER: Tama naman yung mga nagmamalasakit kay Dessa na siya nga ang tunay na Powerhouse Diva.

Ano kaya ang mga dahilan kung bakit nangyari ito?

Narito ang ilang posibleng rason:

1. Baka hindi lang aware si Maricris o ang management niya na meron na ngang ganung title, kaya ginamit na lang nila yun.

2. Sinadya na gamitin para ma-challenge o hamunin ang title holder kahit sa publicity lamang.

3. Wala lang. Kailangan lang paingayin ang Teatrino concert ni Maricris kaya may-pa-title pa ito.

For all we know, walang kaso ito kay Dessa.

Pero siguro nga, respeto na lang. O pasintabi lang muna.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Sure ako hindi isyu kay Dessa yang title na yan.

Sa 'yo nga ang Powerhouse Diva na titulo, wala ka namang trabaho.

Ang mahalaga kay Dessa, more shows, more projects.

Ibigay na niya kay Maricris yan. Si Dessa na ang Powerful Diva!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results