US-based former sexy star Rita Magdalena, kasal na

by PEP Troika
Sep 30, 2018

GORGY RULA: Nabigla ako nang may natanggap akong tawag habang nagra-radio kami sa DZRH kagabi, September 29.

Ang tawag ay mula sa dating sexy actress na si Rita Magdalena na matagal nang nakabase sa Amerika.

Nami-miss na raw ni Rita ang mga taga-showbiz kaya na-contact niya kami sa Facebook at nalaman niyang may radio program kami, kaya nakatsikahan namin ito kagabi.

Continue reading below ↓

Nung 2008 pa pala doon sa San Diego, California si Rita dahil sinundan niya ang pamilya niya,

Nung 2011 naman niya nakilala through Yahoo messenger ang napangasawa niyang Amerikanong si Christopher Bartleson na nagtatrabaho sa Naval base malapit lang sa tinitirhan niya.

Magmula 2011 ay hindi na raw sila naghiwalay.

“Nung nagkita kami, hindi na kami naghiwalay. Nagpakasal na kaagad,” natatawang pakli ni Rita.

Ikinasal daw sila September 9, 2011 ng 12:13 ng tanghali.

Kaya ang kumbinasyon daw ng numero ng kasal nila ay 9-10-11-12-13.

Nabuntis daw siya nung 2014, pero nakunan siya.

Nagpapayat daw siya nang husto dahil umabot daw ng 215lbs. ang timbang niya.

Umabot na raw ito sa puntong hirap na siyang tumayo dahil sa sobrang katabaan.

Ngayon ay 158lbs na lang daw siya, pero kailangan pa niyang magbawas pa ng 30 lbs. para mabalik ang dati niyang kaseksihan.

Sa ngayon ay nag-aaral daw siya ng acting sa University of California San Diego kunsaan kumuha siya ng 16-week acting course.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwang isipin na ang dami ko pa palang dapat matutunan.

“I thought alam ko na lahat, kasi bata, e.

“Kahit four hours a day, hindi ko napi-feel na matagal kasi gustung-gusto ko yung ginagawa ko,” pahayag ni Rita.

Bukod sa pag-aaral niya, naka-focus lang daw siya sa pag-aalaga sa asawa niya at wala pa naman daw sa plano niyang umuwi rito para balikan ang pag-arte.

Lahad niya, “Hindi ko talaga alam kung ano ang plano ko.

“Basta ini-enjoy ko na lang muna yung acting course ko.

“Sabi nga ng professor ko, come what may.

“Huwag mo na lang planuhin.

“Basta gusto mo yung ginagawa mo, keep doing it.

“Kasi nakikita naman yan sa aura mo, e.”

Ang isa raw sa na-miss niya dito sa atin ay si Rosanna Roces.

Pag-amin niya, “Ang pinakana-miss ko talaga si Osang.

“Alam mo naman na mahal na mahal ko yun.

“Alam mo, kapag kausap ko si Osang, bigla akong natataranta, e.

Continue reading below ↓

“Kaya nga ako nag-Pegasus dahil sa kanya. Idol ko kasi talaga siya.

“Pinost ko nga yan sa Facebook, e.

“Si Osang talaga…hindi ko maintindihan.

“Di ba merong ganun na merong isang tao na hindi mo naman kilala pero mahal na mahal mo.

“Dati kasi hindi kami nagkakilala, nagkausap lang kami sa Startalk.

“Nag-meet lang kami sa isang event, tapos parang kilalang-kilala mo na siya.

“Talagang mahal na mahal ko siya.”

JERRY OLEA: Syempre, we’re happy for Rita Magdalena sa maayos niyang lagay sa US.

Naiintindihan din natin na hinahanap-hanap niya ang pag-aartista.

Sa tamang panahon o pagkakataon, matutunghayan natin ang pagbabalik niya.

NOEL FERRER: Hindi man nagtuluy-tuloy sa pag aartista ni Rita Magdalena, darating din ang panahong makababalik siya.

Malay mo, dahil marami na siyang pinagdaanan sa buhay, mas gumaling na siya sa pag-arte,

Kung may Rita Magdalena nuon, Rita Iringan na naging Rita Daniela ang ginagawa ang lahat, mapansin lamang siya.

Continue reading below ↓

Arriba, arriba!

Read Next
Read More Stories About
Rita Daniela, Rosanna Roces
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results