Jolo Revilla at Lovi Poe, kapansin-pansin ang sweetness sa Tres premiere

JERRY OLEA: Maluwalhating nairaos ang premiere night ng trilogy movie na Tres noong Setyembre 30, Linggo, sa Cinema 1 ng SM Megamall.

Dumating doon si dating Senador Ramon Revilla Sr. na naka-wheelchair.

Present ang tatlong bida—ang magkakapatid na Bryan, Luigi at, Jolo Revilla.

IMAGE Jolo Revilla Instagram

Nandoon din ang leading ladies nila na sina Carla Humphries, Assunta de Rossi, Myrtle Sarrosa, at Rhian Ramos.

Pinakabongga sa leading ladies si Assunta na cougar ang papel.

Ang ganda ng cinematography ng "72 Hours" (episode ni Jolo).

Astig ang pag-aaksyon ni Bryan sa episode na "Virgo."

Pinakasimple at pinakamaikli ang "Amats" episode ni Luigi, at iyon ang pinakanagustuhan ko.

NOEL FERRER: Aabangan ng mga tao ang kalalabasan ng pelikulang ito dahil sinuportahan talaga ito ng extensive na publisidad.

At kung alam lang ng mga tao ang pinagdaanan ng produksiyong ito—kung paano ito nag-overbudget at itinuloy pa rin ng mga producers—ay mamamangha ka talaga.

Kaya naman ang pelikulang Tres ay palabas na sa Oktubre Tres.

Tingnan natin kung matitriple ang kita nito sa box office mula sa naging puhunan nila, dahil yun ang sukatan ng pagbi-break-even at hit ng pelikula.

GORGY RULA: Alam niyo, ang kapansin-pansin sa premiere ay ang closeness nina Jolo at Lovi Poe.

View this post on Instagram

Reunited ulit! Feels great to share the screen with this talented actress! @lovipoe #72hours #imusproductions

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Dun ko nalaman na break na pala sina Lovi at ang American boyfriend niyang si Chris Johnson.

Pagkatapos kasi ng screening, tumuloy sila sa Tipsy Pig sa Capitol Commons, kung saan ginanap ang cast party.

Nakita ko sa Instagram na ang saya nila at parang ang sweet nina Jolo at Lovi.

Hindi ako nagkaroon ng chance na matanong si Lovi tungkol sa break up kaya di pa kumpirmado iyan.

Tinanong ko lang si Jolo tungkol diyan at hindi raw niya alam.

Kaya sinundan ko ng tanong na kung sakaling totoo ngang single na si Lovi, gusto niya kayang makipagbalikan sa dating girlfriend?

"Bakit hindi?" nakangiti niyang sagot sa akin.

Pagkatapos ng Tres, posible kayang magsama sila ni Lovi sa isang pelikula?

"Bakit hindi?" sagot niya uli sa akin.

May special participation pala si Lovi sa episode ni Jolo, kaya sinuportahan din niya ang premiere night nito kagabi.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN