Geoff Eigenmann, di pwedeng mabakante kaya bumalik sa ABS-CBN?

by PEP Troika
Oct 2, 2018

JERRY OLEA: Matapos maging leading man ni Glaiza de Castro sa Kapuso teleseryeng Contessa, balik-Kapamilya si Geoff Eigenmann.

Na-tweet ng RSB Drama Unit nitong Oktubre 2, Martes ng hapon, ang still photos ng natatanging pagganap nina Geoff at Cristine Reyes sa Kapamilya teleseryeng Precious Hearts Romances Presents Los Bastardos.

Continue reading below ↓
 IMAGE RSB Dram Unit Twitter

Ang mga bida sa Los Bastardos ay sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Albie Casiño, Marco Gumabao, at Josh Colet.

Ang leading ladies ay sina Jane Oineza, Ritz Azul, Kylie Verzosa, Maxine Medina, at Mica Javier.

NOEL FERRER: Ganyan lang naman talaga, nagri-rigodon lang ng mga artista.

Marahil, hindi puwedeng mabakante si Geoff dahil may anak at pamilya na itong dapat tustusan; at nandito't nakaabang na ang Kapamilya project.

Good luck, at sana makagawa na si Geoff ng project na tatatak talaga sa kanya—without looking like a nagpabayang daddy.

In fairness, maganda talaga ang mukha ni Geoff!

GORGY RULA: Sexy ang format ng Los Batardos na mala-Pasion de Amor.

Kasama rin kaya si Geoff sa magpapakita ng abs?

Kasama rin sa cast si Rosanna Roces na magsu-support sa mga batang sexy stars.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results