Aktor at aktres na nagkaibigan, natuklasang magkapatid pala sa ama

JERRY OLEA: Mahiwaga ang pag-ibig na namagitan sa premyadong aktres at premyadong aktor.

Nagtambal sila sa isang pelikula, at kaagad ay may kung anong init silang nadama para sa isa’t isa.

Sa kanilang halik ay may kakaibang damdamin na agad sumagitsit, bagamat babad sa dagat ang kanilang katawang lupa.

Hindi pa man sila nagkakatikimang ganap, nagkasundo silang magtanan.

Ipinagtapat ng aktres sa pinagkakatiwalaang kaibigan ang balak nila ng aktor.

Agad-agad, pinigilan ng kaibigan ang aktres.

Ipinagtapat ng kaibigan ang nakakatulig na katotohanan.

Ang aktor at aktres ay magkapatid sa ama.

GORGY RULA: Parang sa pelikula o soap opera ang kuwentong ito na ewan ko kung gaano ito katotoo.

Pero sabi ng aming source, mismong si aktres ang nagkuwento sa kanya.

Parang ganyan din ang kuwento ng bagong drama series ng GMA-7 na tumatalakay sa kuwento ng maraming pamilya na iisa lang ang padre de pamilya.

Ilalahad kaya o aaminin ba ni aktres ang kuwentong iyan sa presscon ng Pamilya Roces kung saan kabilang siya?

NOEL FERRER: Saan hahantong ang bawal na pag-ibig na ito na mala-Martin Nievera-Jackie Lou Blanco before na sabi’y magkamag-anak pala?

Pero ito’y mga premyadong mga artista na pareho ang paninindigang politikal.

Ayun, napulitika at nateknikal tuloy ang pag-ibig nila.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN