Mother Lily, inaming rehash ang gown na isinuot niya sa ABS-CBN Ball

JERRY OLEA: Sabi-sabi, mahigit 300 bituin ang nagpaningning sa napakagarbong ABS-CBN Ball noong Setyembre 29, Sabado, sa Makati Shangri-La.

Ang tsika, nakalikom ng PHP1.5M that night ang fund-raising event para sa Children’s Village ng Bantay Bata 163.

Ang kontribusyon ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ay PHP1M.

IMAGE Jerry Olea

Nang matsika namin si Mother Lily sa pa-send off presscon ng FDCP para sa Busan Film Festival delegates nitong Oktubre 2, Martes ng gabi, sa Max’s Roces, inusisa namin kung magkano ang gown na isinuot niya sa ABS-CBN Ball.

“Matagal na ‘yan! That was 30 years ago!” napapangiting bulalas ni Mother Lily.

Natawa si Mother Lily nang sabihin naming ni-rehash lang pala niya ang kanyang gown.

So, hindi na siya gumastos nang bongga sa hair & make-up, sa stylist, sa glam team?!

“Hindi na. Nagtitipid ako,” sambit ni Mother Lily.

Fabulous...

“For the sake of Art! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak pa ng Regal matriarch.

Aba! Ang ibang yayamaning gown, pagkabibigat! Patalbugan ng kapa.

“Saka hindi na makalakad sila,” pahayag pa ni Mother Lily. “Hila nang hila!”

Kaya sa mga bumatikos kaugnay sa extravagance “in these dark times of murder ang hunger” (Direktor Mike de Leon), ang pakli ni Mother Lily, “I am not affected.”

Ano ang masasabi niya sa mga artistang gumastos nang bonggang-bongga sa suot at styling sa nasabing charity event?

Mabining napangiti ang 80-year-old film producer, “Well, I cannot blame them because they’re still young, they want to be ano...

“OK naman ‘yan... ganun din ako nung araw, di ba? Magastos.”

NOEL FERRER: Magastos na! Grabe ang pag-aabala ng mga artista para lumutang at mapansin sa red carpet, 'tapos ayun, yung iba isinasama pa sa Worst List.

Nasaan nga ba si Kiray Celis? Hindi yata siya napag-usapan this year.

Matatandaang tinulungan si Kiray ni Tita Fanny Serrano para sa kanyang libreng makeover noong nakaraang mga taon dahil naawa si TF sa pangba-bash kay Kiray.

Ayun, no news may be good news na rin for her, di ba?

Kung tama nga o hindi na mag-Ball ngayong panahon ng inflation, hintayin natin na mag-complain ang mga um-attend sa pagtaas ang presyo ng krudo o bilihin.

At ang tanging masasabi natin, talaga lang, ha! Hehehe!

GORGY RULA: Wala na talagang mapag-usapan kaya kung anu-anong isyu na lang ang inuugnay sa nakaraang ABS-CBN Ball.

Ang isa lang sa napansin ko, ang dami pa rin palang starlets na imbitado. Akala ko pa naman, pinili lang ang mga dadalo.

Tinanong ko nga si Jolo Revilla kung nakatanggap siya ng imbitasyon sa ABS-CBN Ball. Hindi raw.

Naintindihan naman daw niya. Siguro iniiwas na lang na magkaisyu pa dahil nandun ang ex-girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria.

Abala naman daw si Jolo sa promo ng pelikula nilang Tres na magsu-showing na ngayong araw, October 3.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN