Christopher, Piolo, Joel, at Sandy dadalo sa Busan film fest

by PEP Troika
Oct 3, 2018

JERRY OLEA: Pangungunahan nina Christopher de Leon, Piolo Pascual, Sandy Andolong, at Joel Torre ang Philippine delegation sa 23rd Busan International Film Festival (Oktubre 4-13, South Korea).

Kaugnay sa pagdiriwang ng 100 taon ng pelikulang Pinoy, ang ating bansa ang Country of Focus sa BIFF 2018.

Labinsiyam (19) na pelikulang Pilipino ang ipalalabas doon mula Oktubre 5 hanggang 10.

Sixty to 70 Filipino filmmakers ang ating delegasyon, na ngayong Oktubre 3, Miyerkules ang lipad.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

“Christopher de Leon is going with us,” pahayag ni FDCP Chairperson Mary Liza B. Diño sa send-off presscon noong Oktubre 2, Martes ng gabi, sa Max’s restaurant, Sct. Tuazon St., Brgy. Laging Handa, QC.

“Representing four films, tama ba? Apat na pelikula. Ahhh... Piolo Pascual is going with us for Dekada ‘70.

“And then Sandy Andolong for Moral. And then, Joel Torre, of course, for Bayaning Third World.

FDCP ang sasagot sa pamasahe nila, at ang accommodation ay sagot ng Busan filmfest.

Hindi nakasama si Nora Aunor para sa Himala at Tatlong Taong Walang Diyos dahil may taping ito sa Kapuso teleserye na Onanay, at panauhin sa concert ng Revival King na si Jojo Mendrez sa Oktubre 5, Biyernes sa Resorts World Manila.

GORGY RULA: Ang isa sa nanghihinayang na hindi makasama sa Busan ay si Manay Lolit Solis.

Nung nakaraang taon siya sumabay kay Chairman Diño, kung saan nagtiis siyang mabasa sa ulan at naghintay nang matagal para makita lang ang Korean actor na si Jo In Sung, waley naman.

Continue reading below ↓

Sana ngayong taon na lang daw siya sumama dahil kasali mga alaga niya. Saka type naman daw niyang sumabay kay Papa P.

Medyo nabawasan na kasi ang pagkahumaling niya sa Koreanovela kaya hindi na siya nag-effort sumama.

JERRY OLEA: Ang 10 Pinoy films sa “Cinema as a Response to the Nation” program ng Busan filmfest ay:

A Portrait of the Artist as Filipino (1965, directed by Lamberto V. Abellana)
Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (1976, Eddie Romero)
Tatlong Taong Walang Diyos (1976, Mario O’Hara)
Ang Panday (1980, Fernando Poe Jr.)
Cain at Abel (1982, Lino Brocka)
Moral (1982, Marilou Diaz-Abaya)
Himala (1982, Ishmael Bernal)
Bayaning Third World (2000, Mike de Leon)
Dekada ‘70 (2002, Chito Roño)
Ang Damgo ni Eleuteria (2010, Remton Siega Zuasola)

Continue reading below ↓

Sa “A Window on Asian Cinema” section, kasali ang Citizen Jake (2018, Mike de Leon), Alpha: The Right to Kill (2018, Brillante Mendoza), The Eternity Between Seconds (2018, Alec Figuracion), Gusto Kita With All My Hypothalamus (2018, Dwein Baltazar), Lakbayan (2018, Lav Diaz, Brillante Mendoza & Kidlat Tahimik), at Signal Rock (2018, Chito Roño).

Sa “Wide Angle” section ay tampok naman ang short films na Last Order (Joji Alonso) at Manila is Full of Men Named Boy (Stephen Lee), at ang documentary na Land from God (Kevin Piamonte).

NOEL FERRER: Galing ako sa Busan Film Festival nang naging entry at Special Jury Mention ang Astig.

Masuwerte ngayon dahil ang focus ay nasa Philippine cinema dahil nga sa ating centennial.

Isang malaking film market ang mayroon doon at festival din by the beach.

Immersion sa Korean culture at mamamangha ka talaga sa suporta ng gobyerno sa cinema ang masasaksihan at mararamdaman mo dun!

Continue reading below ↓

Good luck sa mga dadalo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results