Studio ng GMA Network, ipapangalan kay German Moreno

JERRY OLEA: Ipapangalan kay German Moreno o Kuya Germs ang isang studio ng GMA Network ngayong Oktubre 4, Huwebes nang 10 a.m.

“Simpleng celebration lang on his birthday,” sambit ni Ma’am Lilybeth Gomez-Rasonable (Senior VP for Entertainment ng Kapuso Network) nang makausap namin nitong Oktubre 3, Miyerkules ng gabi, sa mediacon ng teleseryeng Pamilya Roces sa Prime Hotel, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In honor of Kuya Germs, we’re naming Studio 6 after him. This is the one being used by Willie [Revillame].”

Ngayong araw sana ang 85th birthday ni Kuya Germs.

Sinu-sino ang makikibahagi sa simpleng pagdiriwang na ito?

“Siyempre, ang top management,” mabilis na tugon ni Ma’am Lilybeth.

“Si Atty. Gozon, Mr. Duavit, Mr. Yalong. Si Ms. Annette. Basta, yung mga top executive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ms. Lilybeth Rasonable
 IMAGE Jerry Olea

Siyempre, present doon ang nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.

“Freddie and his family will be there,” lahad ng Kapuso executive.

“We also invited yung talents na close kay Kuya Germs, yung mga alaga niya, like sina Ken [Chan], Sanya [Lopez], sina Jak [Roberto].

“Iyong mga career ngayon ay blooming.”

GORGY RULA: Karapat-dapat naman talagang bigyan ng ganung pagpapahalaga si Kuya Germs dahil sa hindi matawarang loyalty nito sa Kapuso network.

Gusto ko lang malaman kung imbitado ba ang pamangkin ni Kuya Germs na si John Nite.

May nakarating kasi sa aming balita na may tampo ito dahil inaasahan daw niyang kasama siya sa magka-cut ng ribbon.

May gap kaya ang magtiyuhing John at Federico?

Malalaman natin mamaya kung darating si John Nite.

NOEL FERRER: Kung blooming na career ang pag-uuspaan, magandang nandun din sina Rodjun at Rayver Cruz na nagsimula sa Bestfrends na show ni Kuya Germs, pati na, of course, ang malapit sa kanyang si Jake Vargas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OK iyang paglalagay ng mga landmark kasi may buhay na paggunita sa mga taong naging malaking bahagi ng isang sistema, di ba?

Kaya with this German Moreno Studio sa GMA, meron nang counterpart sa Kapuso ang Dolphy Theater sa ABS-CBN, na sana’y pagdausan pa ng mas maraming selebrasyon, dahil doon nabubuhay sa alaala ang mga minamahal nating yumao na.

Happy birthday, Kuya Germs!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close