Para Sa Broken Hearted, Tres less than PHP1M ang kinita sa opening day?

NOEL FERRER: Sobrang hina raw, according to the bookers, ang mga pelikulang nagbukas kahapon, October 3.

Ang Para Sa Broken Hearted ay naka PHP800,000 at all theaters na yun, samantalang ang Tres ay naka PHP900,000 sa SM theaters.

IMAGE @yassipressman / @jolorevilla Instagram

Malamang naka-a little over-a-million naman daw ito sa lahat ng theaters.

Kung mag-iingay pa ang mga produksiyon, magplanong mag-promote, at mag-theater tour, posibleng makatulong ito sa total box-office gross ng mga pelikula.

The trouble is, malalakas din talaga ang ibang kapanabayan nitong ibang pelikula.

Sabi nga ng kanta ni Bugoy Drilon, paano na kaya?

JERRY OLEA: Hinikayat ni Coco Martin ang moviegoers na panoorin ang Para sa Broken Hearted dahil kay Yassi Pressman at Tres dahil kay Jolo Revilla.

Leading lady ni Coco si Yassi sa FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan naging guest star din si Jolo.

Hopefully, makaariba pa ang Para Sa Brokenhearted at Tres.

Kahit palabas na ang ayon sa critics ay not-so-marvelous movie na Venom, simula ngayong Oktubre 4, Huwebes.

GORGY RULA: May nakarating na balita kahapon sa Imus Productions na may nahuli raw sa SM Fairview na nag-camcording.

Nagulat sila na hanggang ngayon ay meron pa rin daw palang namimirata.

Kaya nakikiusap ang tatlong bidang Revilla brothers—sina Jolo, Bryan, at Luigi—na sana itigil na raw ang pamimirata.

At sana raw ay kaagad iparating ng mga manonood sa awtoridad kung meron makitang nag-camcording sa loob ng sinehan.

Masipag pa rin ang Revilla brothers sa pagpu-promote ng Tres. Iniikot nila ngayon ang ilang bahagi ng bansa para daluhan ang mga block screenings na ibinigay sa kanila.

Ngayong araw ay nasa Pangasinan si Jolo.

Sa Sabado, October 6, nasa Iloilo sina Bryan at Luigi Revilla; habang si Jolo naman ay nasa Naga, Camarines Sur.

Sa Linggo, October 7, nakatakdang magtungo si Jolo sa Cebu kasama sina Dominic Roque at Benj Manalo.

Sa araw na iyon ay nasa Davao sina Bryan at Luigi.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN